Mga kwento tungkol sa East Asia noong Setyembre, 2012
Bansang Hapon: Panganib sa Paglilinis sa Fukushima Nuclear Plant, Ibinunyag
Ibinunyag ng isang bidyo mula sa citizen media ang mapanganib na kondisyon na kinakaharap ng mga naglilinis sa Fukushima nuclear power plant sa bansang Japan. Matatandaang nagtamo ng pinsala ang planta matapos ang malakas na lindol at tsunami doon.
Bansang Hapon: Isang Hinagap sa Ugnayang Hapones-Koreano Gawa ng ‘Free Hugs’
Isang bidyo ang sumikat nitong mga nakalipas na buwan, na may pamagat na "free hugs", kung saan tampok ang isang binatang Hapones sa bansang Korea. Nais ng gumawa ng pelikula na "patunayang may pag-asa pa para sa mga bansang Hapon at Timog Korea". Sentro ng mga balita sa midya ngayon ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang bansa.
TEDxDiliman, Pinag-usapan sa Twitter
Mahigit 100 katao ang dumalo sa TEDxDiliman 2012 noong Sabado, ika-15 ng Setyembre, na idinaos sa UP Diliman. Ilang mahahalagang personalidad ang nagpaunlak sa paanyaya at nagbigay ng kani-kanilang talumpati. Sa internet, masugid na inabangan ng mga netizen ang livestream ng okasyon at agad nag-trend ang hashtag na #tedxdiliman.