· Oktubre, 2012

Mga kwento tungkol sa East Asia noong Oktubre, 2012

New Caledonia: Pagmimina ng Nickel, Humantong sa Away-Pulitika

  30 Oktubre 2012

Siniyasat ni Claudine WERY ang tensyon sa pulitika [fr] sa bansang New Caledonia sa pagitan ng mga partidong independentist at non-indenpendentist, na nag-ugat sa isyu ng pagmimina ng nickel. Banat ng mga non-independentists, nakipagkasundo ang kabilang panig sa mga bansang Tsina at Timog Korea kahit hindi ito otorisado. Samantala, nakatakdang...

Basahin ang post na ito.

Japan: Pagsugod ng “1,000 Barkong Instik”, Pinasinungalingan

  29 Oktubre 2012

Mali ang impormasyong nakasulat sa mga pahayagan [jp] tungkol sa Senkaku (Diaoyu) Islands, mga teritoryong pinag-aagawan ng Japan at Tsina. Ayon ito sa ulat ng Gohoo.org [jp], isang website na ang trabaho ay kumpirmahin ang katotohanan sa mga binabalita ng mga dyaryo sa Japan. Narito ang isang halimbawa [en].

Japan: Biyolin sa Customs ng Frankfurt, Ipinetisyon

  24 Oktubre 2012

Hinarang ng mga opisyales ng customs sa Paliparan ng Frankfurt sa Alemanya ang isang Guarneri biyolin na pagmamay-ari ng musikerong Hapones na si Yuzuko Horigome noong ika-16 ng Agosto, 2012. Idinahilan ng mga otoridad ang kakulangan ng sapat na papeles. Humihingi pa ito ng US$ 500,000 upang maibalik ang nasabing...

‘Gangnam Style’, Ginaya ng Hilagang Korea

  17 Oktubre 2012

Sa website ng pamahalaan ng Hilagang Korea na Uriminzokkiri, iniupload ang isang bidyo [en] na may pamagat na “I'm Yushin style!” bilang panggagaya sa ‘Gangnam Style‘ [en] na pinasikat ng Timog Korea. Naging sentro ng katuwaan sa bidyo si Park Geun-hye, ang kandidato sa pagkapangulo ng kasalukuyang namumunong partido sa...

Tsina: Bagong Apple iPhone, Kinutya

  8 Oktubre 2012

Pinagtawanan ng ilang netizens sa Tsina ang disenyo ng iPhone5, na mas mahaba ng 4 na pulgada kaysa sa iPhone4 samantalang kakaunti lamang ang nadagdag sa mga features nito (mula sa website na China Hush).

Hong Kong: Reporma sa Edukasyon, Mariing Tinutulan

  7 Oktubre 2012

Ibinahagi ni John Choy ang litratong panorama [en] ng kilos-protestang tinutuligsa ang panukalang reporma sa edukasyon na mas kilala sa tawag na “National Education”. Isinagawa ang protesta noong ika-8 ng Setyembre, 2012 sa harap ng tanggapan ng pamahalaan ng Hong Kong.