· Abril, 2012

Mga kwento tungkol sa East Asia noong Abril, 2012

Tsina: Pagpigil at pagbura sa mga kumakalat na “tsismis”

GV Advocacy

Patuloy ang pagsupil ng bansang Tsina ayon sa kanilang propaganda laban sa mga kumakalat na "tsismis" sa social media. Subalit marami ang naniniwalang magwawagi pa rin sa online na digmaang ito ang mga ordinaryong mamamayan sa bandang huli. Sa kabilang banda, nilathala ng peryodikong People's Daily ang artikulo tungkol sa "pinsala sa mga mamamayan at lipunan na dinudulot ng mga tsismis na nanggaling sa Internet. Hindi dapat pinapaniwalaan o kinakalat ng publiko ang mga ganitong tsismis."

27 Abril 2012

Bidyo: Pagpatay sa Mga Kababaihan at Sanggol sa Sinapupunan sa Indiya at Tsina

Sa mga bansang Indiya at Tsina, 200 milyong kababaihan ang iniuulat na "nawawala" dahil sa kaugaliang pagpapalaglag ng mga babaeng sanggol sa loob ng sinapupunan, samantalang pinapatay o iniiwan naman ang mga batang babae. Narito ang ilang dokyumentaryo at pag-uulat tungkol sa ganitong uri ng paghamak sa kasarian na kumikitil ng maraming buhay, at tungkol sa mga pagsisikap na bigyang lunas ang suliraning ito.

26 Abril 2012

Taas-Presyo sa Langis Iprinotesta sa Ilang Bayan sa Indonesia

Binaha ng kilos protesta ang mga lansangan ng ilang siyudad sa bansang Indonesia sa mga nakalipas na linggo bunsod ng pagtataas ng presyo ng petrolyo. Pinagdebatihan naman ng mga netizen kung nararapat ba ang pagtataas ng presyo nito. Dumagsa sa microblogging site na Twitter ang mga tao upang iulat ang salpukan sa pagitan ng kapulisan at mga estudyante sa siyudad ng Jakarta.

24 Abril 2012

Tsina: Sinubukan ang “Kill Switch” ng World Wide Web?

GV Advocacy

Naging intranet ang internet ng Tsina sa loob ng 2 oras noong ika-12 ng Abril. Hindi mapasok ng mga taga-Tsina ang World Wide Web at pinutol ang koneksyon sa lahat ng mga social networking site at email na galing sa ibang bansa. Naniniwala ang mga netizen na hudyat ito ng ipapatupad na web censor na "Kill Switch".

21 Abril 2012

Pagkanta ng Pambansang Awit sa Sariling Wika (Ikalawang Bahagi)

Rising Voices

Sa aming pangalawang ulat, tampok ang mga bidyong gawa ng mga mamamayan na itinatanghal ang kani-kanilang pambansang awit na isinalin-wika sa mga wikang katutubo o malimit gamitin, at napag-alaman namin na ipinagbabawal ng mga batas sa maraming bansa na kantahin ang pambansang awit maliban sa anyo ng pambansang wika. Subalit hindi ito nakapag-patinag sa ilang ordinaryong sibilyan na gumamit ng tinaguriang media ng mamamayan upang kantahin ang kanilang pambansang awit sa sariling wika.

12 Abril 2012

Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Music Video na Tulong-tulong na Binuo, Ipinalabas

Ipinalabas ang isang bagong music video bilang paghahanda sa pandaigdigang pagpapalabas ng pelikulang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"], na gaganapin sa iba't ibang lokasyon kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril, 2012). Tampok sa music video ang mga musikero, makata, at mananayaw na kuha ng bidyo sa loob ng iisang araw, noong ika-10 ng Oktubre 2010, at malikhaing inedit at niremix ni Cut Chemist.

11 Abril 2012

Myanmar: Pagbabalik-Tanaw sa Naging Resulta ng Halalan

Nagdiwang sa lansangan ang mga botante ng Myanmar habang sa Facebook ipinakita ng mga netizen ang kanilang tuwa sa ginanap na by-election na nagresulta sa isang landslide na pagkapanalo ng oposisyon. Nagbunyi ang buong mundo sa naging tagumpay ng simbolo ng demokrasya na si Aung San Suu Kyi, ngunit para sa maraming kabataang botante ng Myanmar isa pang dahilan ng pagdiriwang ay ang pagkapanalo ng isa sa mga nagpasimula ng hip-hop music sa bansa.

5 Abril 2012

Tsina: Reaksyon ng mga Netizen sa Paglulunsad ng Satellite ng Hilagang Korea

Noong ika-27 ng Marso, inanunsyo ng Hilagang Korea na matutuloy ang planong paglulunsad ng satellite sa kalagitnaan ng Abril sa kabila ng pagbisita ng Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama sa Timog Korea ngayong linggo. Naging maingat naman ang Pangulo ng Tsina na si Hu Jintao sa pagbibitaw ng salita, samantalang hati naman ang pananaw ng mga netizen sa mga social media.

4 Abril 2012

Bidyo: Mga Surfer, Mangingisda, at Radiation sa Bansang Hapon Matapos ang Lindol

Isinasapelikula ni Lisa Katayama, isang mamahayag, at ni Jason Wishnow, isang direktor, ang pamumuhay ng mga taong patuloy na nakikipagsapalaran sa epekto ng radiation pagkatapos ng matinding lindol na yumanig sa bansang Hapon. Sa proyektong We Are All Radioactive ["Lahat Tayo ay Radioactive"], 50% ng bidyo ay kinunan sa mga kalapit-lugar ng Fukushima Power Plant, at 50% naman ay gawa ng mga nakatira doon gamit ang mga waterproof digital cameras.

1 Abril 2012