Mga kwento tungkol sa East Asia noong Hulyo, 2012
Myanmar: Netizens Ipagdiwang ang Kaarawan Ni Aung San Suu Kyi
Gamit ang internet, ipinadala ng mga netizen ng Myanmar ang kanilang pagbati sa kaarawan ni Aung San Suu Kyi, ang lider ng oposisyon, na kasalukuyang bumisita sa Europa sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang dekada. Ipinagtaka ng mga netizen kung bakit hindi ibinalita ng midya na kontrolado ng gobyerno ang talumpati ni Suu Kyi sa kanyang Nobel Peace Prize lecture doon.
Timog Korea: Nakakagulat na Desisyon ng Korte sa Reklamo ng Pambabastos, Pinagpiyestahan sa Internet
Naging tampulan sa Twitter ng samu't saring biro at puna ang desisyon ng lokal na hukuman tungkol sa isang reklamo ng pambabastos sa Timog Korea.
Tsina: Pagdadalantao, Sapilitang Pinapalaglag ng Mga Tiwaling Opisyales
Usap-usapan sa social media at mga microblog sa Tsina ang isang litrato ng isang babae na napilitang magpalaglag ng kanyang ipinagbubuntis. Inulan ng batikos at matinding galit ang nasabing larawan.
Tsina, Hong Kong: ‘Masayang Patalastas’ tungkol sa Pagpapalaglag, Lumikha ng Debate
May espesyal na alok ang isang ospital sa bansang Tsina para sa mga dalagang nag-aaral sa mga pamantasan; iyon ang serbisyong pagpapalaglag sa presyong hulugan para sa mga aksidenteng nabubuntis. Umani ng batikos ang nasabing poster mula sa mga netizen sa Hong Kong.