Mga kwento tungkol sa Technology noong Mayo, 2012
WITNESS: Alamin ang Paggamit ng mga Bidyo para sa Pagbabago
Layon ng grupong WITNESS na bigyang kakayahan ang taumbayan na ipagtanggol ang nararapat na hustisya at umahon mula sa samu't saring kwento ng pang-aabuso. Nakapagturo na ang grupo sa mga hands-on workshop ng mga indibidwal mula sa humigit 80 bansa. Upang mapalawak ang sakop ng kanilang proyekto, inilunsad ng WITNESS ang isang komprehensibong kurikulum sa pagsasanay sa paggamit ng bidyo para sa adbokasiya ng karapatang pantao. Libreng maida-download ang nasabing kurikulum.
Tampok na Kagamitan: Ang Mobiles In-A-Box
Kahit sa mga pamayanang liblib at hindi gaanoong napapansin, malawakang ginagamit ang mga mobile phone. Napakahalaga na matutunan ng mga citizen journalist at aktibista ang maraming kakayahan at kagamitan ng teknolohiyang mobile. Ang mobiles in-a-box mula sa grupong Tactical Technology Collective ay koleksyon ng mga kasangkapan at gabay sa paggamit ng teknolohiyang mobile para sa mga samu't saring adbokasiya ng mga kilusan at organisasyon.
Pamamahayag sa Social Media, Bibigyang Gantimpala ng Robert F. Kennedy Center
Tumatanggap ng mga nominasyon para sa Gatimpala sa Pamamahayag para sa Pandaigdigang Potograpiya at Pandaigdigang Social Media ang Robert F. Kennedy Center, isa sa mga kapita-pitagan at nangungunang pandaigdigang organisasyong nagtataguyod ng karapatang-pantao. Pinapangasiwaan ang nasabing patimpalak ng tanggapan ng RFK Center sa Florence, Italy.
Bidyo: Robot, Tinuturo ang Ligtas na Paggamit ng Internet
Komplikadong bagay ang usaping kaligtasan sa internet; minsan ang mga problema nito ay mahirap harapin o maunawaan. Sa pamamagitan ng nakakatuwang robot at ilang maiikling bidyo, layon ng pangkat na Tactical Tech Collective na ituro ang pangangalaga sa sariling kaligtasan sa paggamit ng internet.
Netherlands: Unang bansa sa Europa na nagpatupad ng net neutrality
Ang Netherlands ang kauna-unahang bansa sa Europa kung saan naisabatas ang pagpapatupad ng internet na walang kinikilingan, o ang tinatawag na net neutrality. Kasama dito, ipinasa din ang batas na mangangalaga sa privacy ng mga gumagamit ng internet mula sa pangwa-wiretap at sa pagputol ng mga Internet Service Provider (ISP) ng koneksyon ng walang dahilan.
Pilipinas: Dahil sa Mga Litratong Naka-bikini sa Facebook, Mga Estudyante Hindi Nakadalo sa Pagtatapos
Inulan ng batikos ang isang Katolikong paaralang eksklusibo para sa mga kababaihan sa lalawigan ng Cebu at pinapangasiwaan ng mga madre, matapos nitong pagbawalan ang limang estudyante na makadalo sa kanilang pagtatapos ng hayskul. Ito'y matapos mapag-alaman ng paaralan ang tungkol sa mga litrato ng mga dalaga sa Facebook na kuha habang naka-bikini ang mga ito.
Rusya: Paglutas sa Mga Problema ng Lokalidad Gamit ang Crowdsourcing
Mas madali na sa panahon ngayon ang paglutas ng mga suliranin sa lokal na pamayanan, lungsod at lalawigan, dahil sa mga proyektong ginagamitan ng teknolohiyang crowdsourcing. Ang crowdsourcing ay paraang nag-uugnay sa taong-bayan tungo sa malawak na pagtalakay at pagresolba ng iba't ibang uri ng problema, gaya ng pagbabayanihan sa pag-apula ng sunog at pagbabantay ng boto sa halalan.
Tampok na Sanggunian: Gabay sa Pamamahayag ng Datos – Ang Makabagong Paraan ng Pagsasalaysay
Ang pamamahayag na gumagamit ng datos ay isang proseso ng pagsisiyasat at pagsasala ng mga datos na matatagpuan online. Sa pagnanais na makalikha ng detalyadong gabay sa pamamahayag ng datos, idinaos ang dalawang araw na pagsasanay na nilahukan ng ilang mamamahayag at dalubhasa ng kompyuter, kasabay ng Mozilla Festival sa lungsod ng Londres. Pormal na inilunsad ang nasabing Gabay (na maaring ma-download online) noong ika-28 ng Abril, 2012 sa Pandaigdigang Pagdiriwang ng Pamamahayag na ginanap sa bayan ng Perugia.