Mga kwento tungkol sa Technology noong Abril, 2012
Guinea-Bissau: Mas Mainam na Lugar para Mag-Online

Napakahirap humanap ng de-kalidad na koneksyon ng internet sa bansang Guinea-Bissau. Sa pakikipagtulungan ng iba't ibang lokal na NGO, naitayo ang tanggapang CENATIC, isang sentro na nagbibigay access sa internet sa mga organisasyon at indibidwal na nangangailangan nito, upang maiparating ang kani-kanilang mensahe sa bawat sulok ng daigdig.
Tsina: Pagpigil at pagbura sa mga kumakalat na “tsismis”

Patuloy ang pagsupil ng bansang Tsina ayon sa kanilang propaganda laban sa mga kumakalat na "tsismis" sa social media. Subalit marami ang naniniwalang magwawagi pa rin sa online na digmaang ito ang mga ordinaryong mamamayan sa bandang huli. Sa kabilang banda, nilathala ng peryodikong People's Daily ang artikulo tungkol sa "pinsala sa mga mamamayan at lipunan na dinudulot ng mga tsismis na nanggaling sa Internet. Hindi dapat pinapaniwalaan o kinakalat ng publiko ang mga ganitong tsismis."
“Kurtinang Electronic” ng Iran Ginawan ng Animasyon ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos
Naglabas ng isang maikling animasyon sa YouTube ang Kawanihan ng Pandaigdigang Programa sa Impormasyon, na bahagi ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, tungkol sa pinapatupad na "kurtinang electronic" sa bansang Iran.
Mga Pananaw sa Pumalyang Pagpapalipad ng Rocket ng Hilagang Korea
Naglunsad ng rocket ang Hilagang Korea noong ika-12 ng Abril, sa kabila ng patong-patong na babala ng paghihigpit ng ibang bansa. Ngunit laking kahihiyan nang magkapira-piraso ang rocket matapos itong lumipad at bumagsak sa dagat. Sumiklab sa Internet sa Timog Korea ang samu't saring pagtatalo tungkol sa pangyayaring ito.
Bidyo: Binibida ng mga Nonprofit ang Kanilang Gawain sa Pamamagitan ng mga Pinarangalang Bidyo
Itinanghal kamakailan ang mga nagwagi sa Ika-6 na Annual doGooder Non Profit Video Awards noong ika-5 ng Abril, 2012. Tampok ang mga nanalong bidyo sa 4 na kategorya: maliit na organisasyon, organisasyong may katamtaman ang laki, malaking organisasyon, at pinakamahusay sa pagkukuwento, pati ang 4 na nagwaging bidyo sa kategoryang 'walang takot'.
Bidyo: Patimpalak na Firefox Flicks sa Paggawa ng Bidyo
Ang pandaigdigang patimpalak na Firefox Flicks ay magbibigay gantimpala sa mga maiikling pelikulang magtuturo sa mga gumagamit ng web browser tungkol sa isyu gaya ng privacy, choice, interoperability, at oportunidad, at kung papaano ito tinutugan ng tatak Firefox.