Mga kwento tungkol sa Sub-Saharan Africa noong Hulyo, 2012
Mali: Ang Ilog Niger sa Mga Larawan
Nilibot ni Boukary Konaté, miyembro ng samahang Global Voices sa bansang Mali, ang mga paaralang rural sakay ng isang tradisyonal na bangkang Malian, bilang bahagi ng isang proyektong literasiya patungkol sa internet. Nagbigay naman ito ng oportunidad sa kanya na malibot ang sariling bansa at ipakita sa ibang tao ang maraming aspeto ng 2,600-milyang haba ng Ilog Niger. Narito ang ilang mga litrato mula sa kakaibang paglalayag.
Madagascar: Pinsala ng Bagyong Giovanna, Inilarawan sa mga Bidyo at Litrato
Dumating sa bansang Madagascar ang bagyong Giovanna noong ika-13 ng Pebrero, sa ganap na 20h00, lokal na oras. Nasa ika-4 na kategorya ang nasabing bagyo, na taglay ang malalakas na hanging umaabot sa 194kph (120mph) at pinatumba ang mga punong-kahoy at malalaking poste ng koryente. Ayon sa mga opisyal na ulat, hindi bababa sa 10 ang bilang ng mga nasawi.
Uganda: Nodding Disease, Hadlang sa Kinabukasan ng mga Kabataan
Hatid ni James Propa ang mga litrato at bidyo sa YouTube ng kalagayan ng mga biktima ng nodding disease sa bansang Uganda. Ang nodding disease ay isang sakit na nakakapinsala sa utak at katawan na madalas nakikita sa mga bata. Matatagpuan ang karamdamang ito sa ilang bahagi ng Timog Sudan, Tanzania at hilagang Uganda.
Uganda: Pagbasag ng Katahimikan, Panawagan sa Karapatang Pangkalusugan
Isang bidyo ang inilabas sa internet kamakailan ng grupong Results for Development, isang organisasyong non-profit na naglalayong masolusyunan ang mga suliranin sa pandaigdigang kaunlaran, kung saan hinihimok nito ang mga Ugandan na basagin ang katahimikan at angkinin ang kanilang mga karapatang pangkalusugan.
Sa Ika-5 Taon ng RV: Makabagong Midya para sa Pagsusulong ng Usaping Pangkalusugan
Taong 2008 nang binigyang pondo ng Rising Voices at ng Health Media Initiative ng Open Society Institute ang anim na proyektong citizen media na nakatutok sa mga isyung pangkalusugan. Isa sa mga nabigyan ng munting gantimpala ang Proyektong AIDS Rights ng pangkat ng AZUR Development Organization mula sa lungsod ng Brazzaville, Congo. Sinasanay ng grupo ang mga communications officer ng mga lokal na organisasyon para sa AIDS, upang mahasa ang kanilang kakayahan sa digital na pagsasalaysay, pagpopodcast, at paggawa ng mga blog upang idokumento ang negatibong pananaw ng mga mamamayan at diskriminasyon sa mga taong may HIV at AIDS sa bansang Congo.