[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]
Libre dapat ang mga serbisyong medikal sa Uganda. Subalit palaging kapos sa mga gamot at manggagamot ang mga pampublikong gamutan sa bansa.
Isang bidyo ang inilabas sa internet kamakailan ng grupong Results for Development, isang pandaigdigang organisasyong non-profit na naglalayong magbigay ng mga solusyon sa mga balakid ng pag-unlad, kung saan hinihimok nito ang mga mamamayan sa Uganda na basagin ang kanilang katahimikan at angkinin ang kanilang mga karapatang pangkalusugan.
Ayon kay Oscar Abello sa kanyang paglalagom sa mensahe ng bidyo:
Uganda has made great strides in the past few years building up the “hardware” of its public distribution system for medicines – central warehouses and staffed distribution points – but the “software” isn’t quite right. Many health centers run out of medicines in the 2-3 months between deliveries, meanwhile central warehouses are chock-full of supplies.
Medicine supply chain problems aren’t news to Uganda’s poor, many of them in remote rural villages, but few channels exist to bring that information to the public officials who are in position to do something about it.
Hindi na bago para sa mga maralitang taga-Uganda ang mga suliranin sa pamamahagi ng gamot; karamihan sa kanila ay nakatira sa mga liblib na nayon. Ngunit kakaunti lamang ang paraan upang maiparating ang ganitong mga problema sa mga opisiyales ng pamahalaan na may sapat na kapangyarihan upang tugunan ang mga problemang tulad nito.
Sa bidyo, may iisang hiling si Dennis Kibira, tagapayo ng grupong HEPS Uganda, isang organisasyon na isinusulong ang pagpapalawak ng pamamahagi ng mga kinakailangang gamot sa Uganda:
I want to see a country where people do not have to die because they have failed to receive the care that they deserve.
Noong 2006, tatlong ministro ang pinatalsik sa puwesto dahil sa mga ulat ng pangungurakot ng salaping nakalaan sa sektor ng kalusugan. Kasalukuyang nakabinbin pa rin sa hukuman ang mga reklamo.
Ayon kay Rosette Mutambi, ang nagtayo ng HEPS Uganda at kasalukuyang direktor nito, libre dapat ang mga serbisyong pangkalusugan sa Uganda, taliwas sa mga nangyayari ngayon. Dagdag pa dito, tambak sa mga gawain ang mga sentro ng gamutan at ang mga nagtatrabaho doon.
Madalas ding nakakaranas ng kakapusan ng koryente sa Uganda, kaya naaapektuhan ang mga gamot na nangangailangan ng malamig na temperatura dahil wala namang mga generator ang ilang mga sentro.
Ayon kay Moses Kamabare, ang pangkalahatang nangangasiwa ng National Medical Stores, ang pangkat na inatasahang mag-imbak at mamigay ng mga medisina sa mga sentro, bawat distrito ay pinapadalhan kada dalawang buwan. Subalit ayon naman sa isang nagtatrabaho sa sentro, nakakatanggap sila ng mga gamot kada tatlong buwan.
Hindi nawawalan ng gamot ang mga Medical Stores sa Uganda, ngunit kulang naman ang mga gamot sa mga sentro. Minsan may mga pasyenteng nagtitiyagang maglakad ng 10 kilometro papuntang sentro sa pag-aakalang may sapat na gamot sa sentro. Nakakapanlumo ang ganitong karanasan at nakakadismaya para sa maraming pasyente, kaya't nagdadalawang-isip na silang bumalik sa sentro upang magpagamot ang kanilang karamdaman.
Mahaba-haba pa ang tatahaking landas ng Uganda bago nito tuluyang mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng mga mamamayan doon: sa pamamagitan ng mas mabilis at mas madalas na pagbibigay serbisyo, dagdag pondo, pagpapatayo ng mga sentro ng gamutan, taas-sweldo sa mga mangagamot at nagtatrabaho sa sektor ng kalusugan, at pagbili ng karagdagang pasilidad.
Nariyan din ang kakulangan ng mga doktor, na nagnanakaw umano ng mga gamot upang magamit sa kanilang mga pribadong klinika.
Gayunman isang malaking katanungan ang nanatili, tuluyan na bang wawakasan ng mga taga-Uganda ang kanilang pananahimik?