Mga kwento tungkol sa Republic of Congo
Sa Ika-5 Taon ng RV: Makabagong Midya para sa Pagsusulong ng Usaping Pangkalusugan
Taong 2008 nang binigyang pondo ng Rising Voices at ng Health Media Initiative ng Open Society Institute ang anim na proyektong citizen media na nakatutok sa mga isyung pangkalusugan. Isa sa mga nabigyan ng munting gantimpala ang Proyektong AIDS Rights ng pangkat ng AZUR Development Organization mula sa lungsod ng Brazzaville, Congo. Sinasanay ng grupo ang mga communications officer ng mga lokal na organisasyon para sa AIDS, upang mahasa ang kanilang kakayahan sa digital na pagsasalaysay, pagpopodcast, at paggawa ng mga blog upang idokumento ang negatibong pananaw ng mga mamamayan at diskriminasyon sa mga taong may HIV at AIDS sa bansang Congo.