
Binuo ng mga mag-aaral at iba pang mamamayan ang kadena ng tao na umabot sa 1.5 na kilometro, sa paligid ng Unibersidad ng Nile. Litratong kuha ni @kandily, mula sa Twitter
Ibinahagi ni @Kandily [ar] sa Twitter ang larawan ng isang mahabang kadena ng mga estudyante sa palibot ng Unibersidad ng Nile, na sa kanyang tantsa ay aabot ng 1.5km. Kamakailan napabalita ang pagpapasailalim ng nasabing kampus [en] sa pangangasiwa ng Zewail City for Science and Technology (ZCST). Ito ay matapos magtagumpay ang rebolusyon sa bansa. Mariing tinutulan ng mga mag-aaral ang hakbang na ito, na ayon sa kanila ay malaking kawalan para sa unibersidad.