Lingid sa kaalaman ng karamihan, ilang maliliit na pamayanang minorya ang nananatili sa mga kalunsuran ng Egypt. Isinalaysay ni Nervana Mahmoud (@Nervana_1) sa kanyang blog [en] ang tungkol sa isang pamayanan sa bayan ng Alexandria na binubuo ng 18 kababaihan at 4 na kalalakihan, na kung pagbabasehan ang tradisyong Hudyo, kailangan nila ng 6 na kalalakihang bisita upang makapagdiwang man lang ng Rosh Hashanah, ang selebrasyon ng Bagong Taon ng Hudaismo. Ito ang larawan ng Sinagogang Eliyahu Hanavi [en] sa bayan ng Alexandria kung saan nagdarasal ang pangkat.