[Lahat ng link na nakapaloob sa akdang ito ay magdadala sa'yo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lang kung nakasaad.]
Dahil sa mariing pagtutol ng mga konserbatibong pangkat at mga pulitiko, na tinawag si Lady Gaga bilang tagapaglingkod sa demonyo, ipinahayag ng pulisya sa bansang Indonesia na hindi nito bibigyan ng permiso ang inaabangang konserto ni Lady Gaga sa Jakarta. Hindi naman ito ikinatuwa ng 50,000 tagahanga.
@HeyPotterhead: Lady Gaga's concert better not be cancelled. I did NOT fell in line for 8 hours for nothing! Stupid FPI #IndonesiaSavesGaga #BTWBallGBK
Malakas ang impluwensiya ng FPI o ang Islamic Defenders Front, isang relihiyosong grupo na madalas nagpapasimuno ng pagtutol sa mga kaisipan at kaganapang “labag sa Islam”. Sa pagkakataong ito, inakusahan nila si Lady Gaga na lumalason sa moralidad ng kabataang Indonesian.
Umalma naman ang mga tagahanga ni Lady Gaga, na tinatawag ang kanilang sarili na ‘little monsters’, sa naging desisyon ng pamahalaan:
@ginaignasia: Apa hak nya. Gue yang nabung&cari calo susah2, nyekal2 seenaknya. #IndonesiaSavesGaga #GagaIsAmazing #monsterpower #BurnFPIdown
@akibaryou: Save Mother Monster! Save the freedom of expression! The cancellation is proof of how our country has lost its priority.#IndonesiaSavesGaga!
@Ray_owl: FPI is embarrassing Indonesia internationally! #IndonesiaSavesGaga RT @lanaaisya: FPI is being a hypocrite. #saveladygaga
@NickyYuventius: Yang bikin gue bingung adalah polisi yg beralasan gaga itu porno. APA KABAR KONSER DANGDUT? PREEEET!
Napakasikat sa Indonesia ang Dangdut, isang uri ng katutubong pagtatanghal na may hawig sa sayaw ng mga taga-Indiya. Kadalasang nagiging mapangahas at mapang-akit ang mga galaw ng nagtatanghal ng Dangdut.
Samantala, sumuporta naman ang PGI (Lupon ng Simbahang Kristiyano ng Indonesia) sa naturang palabas, dahil bahagi raw ito ng kalayaang makapagpahayag.
Hindi naman lahat ng pulitiko ay tutol sa pagtatanghal ni Lady Gaga. Sinabi ng mambabatas na si Ahmad Basarah, isang Muslim, sa pahayagang Jakarta Globe na dapat maging patas ang pulisya sa pagtatanggol ng mga kaugalian ng bansa, mapa-kapitalista at liberal man ito, o mapa-ideyolohiyang Gitnang Silangan man.
Narito naman ang iba pang reaksyon na lumabas sa Twitter:
@danielvk: Religious mafia manipulates democracy & freedom to rob the freedom of others. Don't tolerate intolerance! #saynotohate #indonesiasavesgaga
@DanielZiv: It's not a matter of #IndonesiaSavesGaga, it's more like whether Gaga can save Indonesia.And really, Indonesia needs to save itself from this extremist nonsense, Gaga or no Gaga.