[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]
Sa siyudad ng Santiago sa bansang Chile, at maging sa maraming pang lungsod sa ibang panig ng mundo, sadyang mapanghamon at mapanganib ang panahon ng taglamig para sa mga walang tahanan.
Ito ang nasaksihan ni Alejandro Rustom, kontribyutor at manunulat sa website na Demotix, nang kanyang bisitahin ang tunay na kalagayan ng mga taong nakatira sa lansangan sa kabisera ng Chile, at pinuna ang pagpupursigi ng isang grupo ng mga nagkakawanggawa.
Sipi mula sa sinulat ni Alejandro:
In the Franklin District in Santiago de Chile, there are groups of people living on the streets that don't have the chance to live under a decent roof. They make their way on the edges of society.
A group of Teachers, Students and Parents of Teresian College, has organized groups to visit these people, to deliver food and clothing. Nestor Chavez Guerra, Professor and leader of the school's pastoral, thinks the most important thing is to listen to their problems and needs in order to provide more help at every visit.
Ang grupo ng mga guro, mag-aaral at magulang ng Teresian College ay bumuo ng mga pangkat na bumibisita sa mga taong ito upang maghatid ng mga pagkain at kasuotan. Ayon kay Nestor Chavez Guerra, propesor at pinuno ng katekismo ng paaralan, ang pinakamahalagang bagay ay ang mapakinggan ang kanilang mga suliranin at pangangailangan upang lubos silang matulungan sa bawat pagbisita.
Ipinakita ni Rustom ang paghahanapbuhay ng mga taong kalye ng Santiago:
Ganito naman ang kanilang kalagayan sa oras ng pagtulog at ang mga kakarampot na pananggalang sa ginaw:
Nakunan ni Rustom ng mga litrato ang malasakit ng ilang nagkakawanggawa para sa mga taong nakatira sa mga lansangan:
Marami pang litrato ang ibinahagi ni Rustom sa dalawang artikulong kanyang isinulat tungkol sa mga taong lansangan ng Santiago: Mga taong nakatira sa mga lansangan ng Chile – Santiago, at Nakalitrato: Ang paglipas ng bawat gabi para sa mga taong nakatira sa mga lansangan sa Chile.