Oops! Pagkakamali ng Facebook sa Watawat, Hindi Sinasadyang Nalagay ang Pilipinas sa ‘Estado ng Digmaan’

Facebook joined Filipinos in celebrating the Philippine Independence Day. However, it unintentionally inverted the country's flag.

Nakiisa ang Facebook sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Gayunman, hindi nito sinasadyang nabaligtad ang watawat ng bansa.

Ika-12 ng Hunyo ang Araw ng Kalayaan sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay nagdeklara ng kalayaan mula sa Espanya noong ika-12 ng Hunyo, 1898 pagkatapos ng mahigit 300 taon ng kolonyal na paghahari.

Bilang parangal sa espesyal na araw, binati ng Facebook ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtatanghal ng watawat ng Pilipinas. Gayunman, baligtad ang watawat na ginagawa lamang kapag may digmaan sa bansa.

Napansin kaagad ng Philippine Star ang pagkakamali:

TINGNAN NINYO: Bilang parangal sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, bumabati ang home page ng Facebook sa mga Pilipinong netizen sa pamamagitan ng isang banner na may watawat ng Pilipinas—kung hindi lamang nakatanghal iyon na nasa itaas ang pulang bahagi at ang bughaw ay nasa ibaba, na nangangahulugan na ang bansa ay nasa estado ng digmaan.

Pinagtatawanan ng mga Pilipinong user ng Facebook ang pagkakamaling ito bagaman ang karamihan ay nagpapasalamat na naalaala ng Facebook na ipahatid ang pagbati nito para sa Araw ng Kalayaan.

Gayunman, may mga netizen din na bumatikos sa Facebook dahil sa hindi wastong pagtatanghal ng watawat ng Pilipinas.

Nasa ibaba ang ilan sa mga reaksiyon sa Facebook at Twitter:

Itinatanong ng Facebook user na si Berniemack Arellano kung ang pagkakamali ay isang taktika sa pagbebenta ng pelikula:

Dear Facebook,
Has the President and the Congress declared war on some country? What is this, the marketing of Independence Day: Resurgence?

Minamahal na Facebook,
Nagdeklara na ba ng pakikidigma sa ibang bansa ang Pangulo at ang Kongreso? Ano to, marketing ng Araw ng Kalayaan: Muling pagbangon?

Sinasabi ng Facebook na may digmaan dito sa atin. Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas. Nawa'y maging malaya talaga tayo. #Kalayaan2016 o #Kasarinlan pic.twitter.com/SktzRNSJMj

MInamahal na @facebook: Hindi masaya ang Araw ng Kalayaan kung ganito ang aming watawat. Seryoso talaga. pic.twitter.com/fo8U4ffdYu

Ganito ang wastong paraan ng pagtatanghal ng watawat ng Pilipinas. Sa kasaysayan ng bansa, ang pulang baner ay huling itinanghal nang nakapaibabaw sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941 hanggang 1945.

Philippine flag. Image from the official website of the Philippine government

Watawat ng Pilipinas. Larawang mula sa opisyal na website ng pamahalaan ng Pilipinas

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.