Tsina, Pilipinas: Tensyon sa Pag-angkin sa Scarborough Shoal, Tumitindi

Lalong umiinit ang tensyon sa pinag-aagawang Scarborough Shoal [en] o Huangyan Island sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Isiniwalat ng media ng pamahalaang Tsina na hindi na nito papayagan ang panghihimasok ng mga barkong pandagat ng Pilipinas sa Dagat Timog Tsina.

Ibinandera ng China Daily ang isang komentaryo [zh] noong Mayo 8, 2012, kung saan iginiit ng bansang Tsina na “hindi na nito papayagan ang hindi katanggap-tanggap” na pagkilos sa alitan ng Scarborough Shoal, at ibinunyag ang estratehiyang diplomatiko ng Tsina bilang pagpapamalas ng kanilang soberanya sa Dagat Timog Tsina.
 
Pagpapamalas ng Damdaming Makabayan
 
Ayon naman sa editoryal na ipinalabas ng makabayang pahayagang Global Times [zh] noong Mayo 9, “isang himala kapag hindi natuloy ang awayang militar”. Ibinalita naman ng mga lokal na periyodiko na pinaalis ng mga barkong pandagat ng Tsina ang mga maliliit na mangingisdang Pilipino mula sa Shoal [zh].

Umusbong ang sentimiyentong makabayan ng mga taga-Tsina matapos magpahayag ang isang Pilipino na sinasabing eksperto sa sandatahang lakas [zh] na hindi gagamitin ng bansang Tsina ang kanyang kakayahang militar upang malutas ang awayan sa Scarborough Shoal o para supilin ang mga damdaming makabayan sa internet.

Kamakailan lang, nagtayo ng watawat ng Tsina ang isang TV reporter ng Dongfan Star sa pangunahing reef ng Scarborough Shoal, bilang halimbawa ng pagpapamalas ng damdaming makabayan:
 

 
Kapansin-pansin naman ang pagdagsa ng sentimiyentong makabayan sa internet gamit ang katagang “黃岩島” (Huangyan Island), samantalang sinisisi naman ang mainstream media sa panggagatong sa lumalaking apoy. Narito ang ilang puna sa Weibo tungkol sa isyu:

周指辉:估计我国要实际控制黄岩岛——这是一个好机会,希望能顺手把菲占的其他岛也给一并拿了!

@周指辉 [zh]: Tila makukuha na ng bansa ang Huangyan Islands. Magandang pagkakataon ito, sana makakuha din tayo ng ibang isla.

醉想丽华:[1/2]中国疆域领土确实很大,但没有一寸是多余的,关于领土问题没有谈判,只有战争,如果不准备动武就不要拿起武器,一旦遭人欺负,就应当瞬间回击;对于黄岩岛问题别每天总是在说是中国固有的领土,固有、固有听着就烦了,都已被人家欺负到这份上了,还无动于衷,不给一点颜色瞧瞧还真的以为好欺负,

@醉想丽华 [zh]: Napakalaki ng lupaing sakop ng Tsina, ngunit bawat pulgada nito ay mahalaga. Wala nang pakikipag-negosasyon tungkol sa mga usaping teritoryo, digmaan ang tanging solusyon dito. Itaas natin ang ating sandata at maghanda. Kapag hinahamak tayo, kailan nating gumanti. Araw-araw, sinasabi ng media na mahalagang bahagi ng Tsina ang Huangyan, nakakabwisit… inaalipusta tayo at hanggang salita lang ang ginagawa natin. Ipakita natin ang ating tunay na kulay nang hindi nila tayo insultuhin.

黑匣子陈廖宇:黄岩岛问题特别满足各种国人从各方面的意淫。所以还是不要解决的好。

@黑匣子陈廖宇 [zh]: Ang isyu ng Huangyan ay daan para sa maraming bansa upang maipamalas ang kanilang kapangyarihang pulitikal at damdaming makabayan. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin nalulutas ang problema.

佳琦-半正太V:对于最近的南海诸问题,中国一直都忍让,但这次黄岩岛和菲律宾闹的有点大。我想,是不是想拿来它试试刀,镇一下越南和小日本呢,

@佳琦-半正太V [zh]: Matagal nang naging mahinahon ang Tsina tungkol sa usaping Dagat Timog Tsina. Subalit sinusulsulan ng Pilipinas ang isyu ng Huangyan Island. Sa tingin ko panahon na upang subukan natin ang ating itak at upang magsilbing babala sa Vietnam at Japan.

 
Pananaw ng isang mamamahayag
 
Binatikos naman ni Su Shaoxin [zh], isang mamamahayag sa Guangzhou, ang panggagatong ng media sa sentimiyentong makabayan:

如同我严厉批评我所任职的媒体机构一样,作为媒体及公众人物在此刻为民族主义情绪张目,确能两头讨好:政治上正确,也能获市场掌声。但这种功利思维或不自觉做法背后可能产生的灾难性后果,您应比我更有切肤之痛。这大概是我会使用“知识能力不足”的原因——因为这如果不是天真的话,就是别有用心。

Bilang mga mamamahayag at sikat na personalidad, maaring nakukuha natin ang palakpak ng manonood at mambabasa, at nagmumukhang tama sa mata ng gobyerno dahil sa panggagatong sa nasabing isyu. Subalit ang ganitong gawain ay magpapahamak lamang sa bansa, at mas malawak na ang iyong karanasan kaysa sa akin [kinakausap ang mga kapwa-mamamahayag]. Masasabi kong kulang sa pag-unawa at salat sa kakayahan ang kasalukuyang pagbabalita sa isyu [ng Huangyan] — dahil kung hindi man ito dulot ng kamangmangan, maaaring may adyenda kayong tinatago [sa likod ng mga ulat at komentaryo].

13 Mga Komento

Join the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.