See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Taas-Presyo sa Langis Iprinotesta sa Ilang Bayan sa Indonesia

Binaha ng kilos protesta ang ilang siyudad sa bansang Indonesia matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga nakalipas na linggo. Ayon sa mga ulat [id] ng lokal na media, hindi naiwasang magkasakitan doon at nagtamo ng mga sugat ang ilang demonstrador.

Unang binalak ng pamahalaan ng Indonesia na iakyat ang presyo ng petrolyo noong Abril-a-uno, subalit walang opisyal na pahayag ang pamahalaan tungkol sa gagawing pagbabago. Sa kasalukuyan, nabibili ang petrolyong tinatawag na Premium sa lokal na merkado sa halagang IDR 4,500 (USD 0.50) kada litro dahil sa subsidiya ng gobyerno. Kung wala ang subsidiyang ito, papalo ang presyo ng langis sa IDR 8,400 (USD 0.92) kada litro.

Mga Nagpoprotesta malapit sa Gusali ng Parliyamento. Litrato kuha sa Flickr ni Djembar Lembasono gamit ang Lisensyang CC

Mga Nagpoprotesta malapit sa Gusali ng Parliyamento. Litrato sa Flickr kuha ni Djembar Lembasono gamit ang Lisensyang CC

Mula kay Gianrigo Marletta, mamamahayag na nakabase sa Jakarta, ang susunod na bidyo galing sa YouTube.

Matatandaang ganito rin ang mga eksena sa mga nagdaang makasaysayang riot ng bansa dahil na rin sa langis: kaliwa't kanang kilos protesta at mga nakabantay na sundalo [id] sa mga siyudad. Taong 1998 nang nalugmok sa sigalot ang buong bansa nang binalak ng gobyerno na itaas ang presyo ng langis. Sinunog ng mga galit na mamamayan ang mga tindahan ng mga Indonesiyong Instik, pinagsamantalahan ang ilang kababaihan, kinidnap at pinatay ang ilang estudyanteng aktibista, at sa kalaunan, napilitang bumaba sa kanyang pwesto ang dating Presidente Suharto, ang pinakamatagal na pinuno sa kasaysayan ng Indonesia.

Ipinaliwanag naman ng Twitter user na si @cuapolitik [id] na kinakailangan nang magtaas ng presyo ng langis. Ayon sa kanya:

3. Jk BBM tak naik, subsidi untuk solar premium th 2012 ini bs melonjak dari Rp123,6 T menjadi Rp191,1 T. #BBM
4. Pdhl, subsidi itu akan lbh brmanfaat kl dipake utk infrastruktur atau tuk peningkatan pendidikan n ksehatan. Lbh terasa utk rakyat. #BBM
5. Msyrakat yg krang mampu akan menikmati manfaat jk BBM subsidi naik. Sebab, msyrkat kurang mampu bukan konsumen BBM yang terbesar. #BBM
6. Harga jual bbm subsidi yg terlalu rendah dibanding di LN mendorong penyelundupan penyelewengan. Yg untung ya para penyelundup. #BBM
7. Krn subsidi, harga jual bbm subsidi di dlm negeri jauh lebih murah daripada harga barang yang serupa di negara2 tetangga. #BBM
8. Itu sebabnya, para penyelundup justru menikmati perbedaan harga ini, hingga merugikan keuangan negara dan kita semua #BBM
11. Slama ini org2 bilang pmrntah hanya ambil kbjakan menaikkan #BBM subsidi. Salah. Ada kbjakan lain utk atasi defisit. #BBM
17. Kbjakan subsidi ini adlh kbjakan dr masa lampau. Dl bs subsidi, krn kt eksportir. Tp skrg kt importir, n sdh keluar dr OPEC #BBM
18. Slain itu, dl knsumsi BBM kt rendah, jauh brbeda dgn skrg. Karenanya kbjakan subsidi hrs diubah perlahan. #BBM

3. Kung hindi magtataas ang (presyo ng) langis, bubulusok sa halagang IDR 191.1T mula IDR 123.6T ang subsidiya ng diesel at premium sa taong 2012.
4. Sa katunayan, mas makakabuti kung ilalaan ang (badyet sa) subsidiya para sa (pagpapaunlad ng) imprastraktura, edukasyon at kalusugan. Higit na makikinabang ang mga mamamayan doon.
5. Makikinabang sa pagtaas ng presyo ng petrolyo ang mga pinakamahihirap, dahil hindi sila ang pinakamalakas na kumukunsumo ng langis.
6. Kung ikukumpara sa ibang bansa, napakababa ng presyo ng langis dahil sa subsidiya, na nag-uudyok sa iilan na abusuhin at ipuslit ito palabas ng bansa. Higit na nakikinabang ang mga smuggler dito.
7. Dahil sa subsidiya, higit na mas mura ang presyo ng langis dito sa bansa kumpara sa ibang kapitbahay na bansa sa Asya.
8. Kaya, nakikinabang ang mga smuggler sa laki ng agwat sa presyo, pinapapahamak nila ang ekonomiya at tayong lahat.
11. Lahat sinasabi na polisiya ng gobyerno na itaas ang presyo ng langis. Mali yun, polisiya nito na kontrolin ang kakulangan.
17. Nanggaling pa sa makalumang panahon ang polisiya ng subsidiya sa langis. Noon, madali lang ang subsidiya dahil nakakapagluwas tayo ng sobrang langis. Ngayon, mas maraming langis na ang inaangkat natin, at hindi na tayo miyembro ng OPEC.
18. Dagdag pa dito, noong unang panahon, kakaunti lang ang konsumo natin sa petrolyo, ngunit iba na ang ating karanasan ngayon. Kaya, dapat baguhin ng paunti-unti ang polisiya sa subsidiya.

Ayon naman [id] sa blogger na si Sony Haryo Prabowo sa kanyang blog [id], mali ang mga demonstrador sa Makassar, Sulawesi na gawing target ang mga reseller ng langis:

sekian banyak SPBU di Indonesia, Pertamina hanya memiliki 74 di antaranya (sumber: Pertamina Retail). Ribuan lainnya dimiliki oleh dealer (swasta).  Dengan demikian, perbuatan para pendemo yang merusak SPBU telah membuat hilangnya lahan mencari nafkah bagi seorang wiraswasta, bahkan mereka juga menghilangkan lapangan kerja andai SPBU tersebut benar-benar berhenti beroperasi.

Mula sa lahat ng gasolinahan sa Indonesia na may pangalang Pertamina, 74 lang ang pagmamay-ari ng kompanya (sanggunian: Pertamina Retail). Ang libu-libong tindahang natitira ay pribadong pinangangasiwaan. Kaya ang pagsira ng mga nagpoprotesta sa mga gasolinahan ay magdudulot lang ng pagkaantala ng paghahanapbuhay ng mga pribadong may-ari nito, at pagkawala ng trabaho ng mga empleyado kung sakaling tuluyang nagsara ang mga winasak na gasolinahan.

Dagdag pa ni Sony:

Demo yang mereka lakukan juga menutup jalan, merusak kendaraan pribadi, bahkan kendaraan pengangkut minuman ringan ternama yang mungkin seringkali mereka minum. Saya ingin mengajak para pembaca berdiskusi dan merenung. Dalam demokrasi, demonstrasi memang boleh dilakukan, bahkan harus. Namun, harus selalu diingat bahwa demonstrasi harus dilakukan dengan dasar yang benar dan dengan akal sehat. Demonstrasi yang terjadi di Makasar ini membuktikan ada sebagian mahasiswa di Indonesia ini tidak menggunakan akal sehat dalam berpikir. Mereka hanya ingin melampiaskan apa yang mereka inginkantanpa berpikir apa kerugian yang mereka sebabkan. Bahkan lucunya lagi mereka melakukan demo seakan-akan tahu masalah yang mereka hadapi.

Hinarang ng mga demonstrador ang mga kalye, sinira ang mga pribadong sasakyan, tinaob ang trak ng kilalang tatak ng softdrink. Inaanyayahan ko ngayon ang mga nagbabasa nito na mag-isip. Sa demokrasya, maaring magprotesta, ngunit dapat mabuti ang dahilan at hangarin. Pinatunayan lang sa Makassar na walang sentido kumon ang mga nagpoprotestang estudyante doon. Ni minsan hindi nila napagtanto ang pinsalang kanilang dinulot. Ang malala pa, mukhang hindi nila naiintindihan ang tunay na isyu.

Dumagsa naman sa microblogging site na Twitter ang mga tao upang iulat ang sagupaan sa pagitan ng kapulisan at mga estudyante sa Jakarta. Pinagtalunan din nila kung nararapat bang itaas ang presyo ng petrolyo.

@ikovoz [id]: Issue korban meninggal di bentrok salemba itu hoax. skg di RSCM 3 org mahasiswa dan 1 satpam yg msh dirawat

@ikovoz: Hindi totoo na may isang namatay sa sagupaan sa Salemba. May 3 mag-aaral at 1 sekyu ang ginagamot ngayon sa RSCM  (Cipto Mangunkusumo Hospital).

@LBH_Jakarta [id]: Polisi melakukan sweaping ke LBH,47 ditangkap paksa.6 ditangkap di samping LBH.Total 52 org dibawa paksa ke Polda.

@LBH_Jakarta: Nagsagawa ng ronda ang kapulisan sa Legal Aid Foundation (LBH), 47 estudyante ang sapilitang inaresto. 6 inaresto malapit sa LBH. Sa kabuuan, 52 mag-aaral ang dinala sa tanggapan ng kapulisan sa distrito.

@komar_hidayat [id]: Terlepas harga BBM naik atau tdk, apakah ada tanda2 nasib rakyat akan membaik?Terbuka lapangan kerja baru?

@komar_hidayat: Maliban sa tumataas na presyo ng langis, may iba pa bang senyales na umaakyat ang kalidad ng pamumuhay ng mga tao? May mga bagong trabaho ba?

@BankDunia [id]: 40% penerima manfaat langsung subsidi #BBM bagi rumahtangga adalah 10% rumahtangga terkaya

@BankDunia: 40% ng mga direktang nakikinabang sa subsidiya ay mga kabahayan, 10% nito ay nasa pinakamayayamang kabahayan.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.