Sa naunang ulat, itinampok namin ang ilang halimbawa ng mga bidyong gawa ng mga mamamayan kung saan ang kani-kanilang pambansang awit ay isinalin-wika sa mga wikang katutubo at sa mga wikang malimit gamitin.
Madalas sinusulat ang letra ng pambansang awit gamit ang opisyal o pangunahing wika ng bayan. Ang Jana Gana Mana, pambansang awit ng bansang Indiya at 100 taon nang ginagamit, ay nasa bersyong Sanskrit ng wikang Bengali. Parehong kabilang ang dalawang ito sa 22 opisyal na lenggwahe ng Indiya. Narito ang bersyong Sanskrit ng awit (na nilapatan ng subtitle na Ingles), at narito naman ang bersyon Bengali [en]. Subalit pambihirang makita ang isang tahimik na bersyon [en] ng pambansang awit ng Indiya, gaya ng isang ito na gumagamit ng wikang pasenyas:
Sa maraming bansa, ipinagbabawal ng batas na kantahin ang pambansang awit maliban sa anyo ng kanilang pambansang wika. Ang pambansang awit ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang, ay unang isinahimig noong 1898 ni Julián Felipe, at isinatitik sa wikang Espanyol. Kinalaunan isinalin ang awit sa wikang Tagalog. Ayon sa Flag and Heraldic Code [en] (1998) ng Pilipinas, “ang Pambansang Awit ay laging kakantahin sa pambansang wika sa loob o labas man ng bansa”, at nagtatakda ng kaukulang danyos at pagkakakulong sa mga susuway nito.
Kahit Filipino at Ingles lamang ang tinutukoy na opisyal na wika ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas noong 1987, matatagpuan ang ilang bersyon sa internet ng pambansang awit sa iba pang lenggwaheng ginagamit sa Pilipinas. Narito [en] ang pambansang awit ng Pilipinas na kinanta sa wikang Eskayan [en]:
Narito naman ang pambansang awit ng Pilipinas sa wikang Butuanon [en]:
Marami pang halimbawa ang mahahanap sa Internet.