Pagsasalinwikang Pagpapalit ng Pandaigdigang Boses Sinimulan

Kailan man nagtaka ka kung paano gumawa at pangalagaan ang pangangatawan ng lenguaheng hayag? Magtangkang lumikha ng isang kasangkapang maka-alaala ng pagsasalinwika? Pagbahagi ng mga pagsasalinwika ng kahit anong bagay mula sa haiku hanggang sa nasasangkot na mga pampanitikang nilalaman? Kailan man naisip mo kung paano isalin ang isang bidyo o laman ng audyo nang madalian? Kung naisagawa mo, lamang nandoon ka sa Open Translation Tools sa Amsterdam ng huling linggo. Para sa isang grupo ng mga tagapagsalin ng Pangdaigdigang Boses, mga autor , at mga kasapi, ang mga ito ay mga mahalagang tanong; nagtagpo kami doon para pag-usapan at ilunsad ang aming bagong proyekto, pagsisyasat kung paano tangkaing ilikha at suportahan ang online na komunidad ng pagsasalinwikang pagpalit.

Namalagi kami doon ng tatlong araw katrabaho ang lipon ng mga tao sa OTT09 upang pag-usapan ang hayag na pagsasalinwika, kasama ang mga kasapi ng teknolohiya, at nagbibigay ng nilalaman ukol sa hayag na pagsasalinwika. Tukuyin ang kabuuan ng artikulo ni Ethan Zucherman, humukay sa mga sulat ng OTT09 wiki ukol sa mga sesyon, o kaya basahin ang bagong aklat ng FLOSS tungkol sa mga kasangkapan ng hayag na pagsasalinwika, na kinathang madalian sa loob ng limang araw na ginanap pagkatapos ng pagpupulong. Sinundan namin ang OTT09 ng karagdagang dalawang araw para sa malinaw na pag-iisip – pangatuwiranan ang mga tanong at talan ng pag-u-usapan para sa pananaliksik ng pagsasalinwikang pagpalit.

OTT09

Letrato ng Grupong OTT09, pagod pero masaya, kagandahang-loob ni itzpapalot!

Marahil ang pinakatuwang parte ng paglunsad ng bagong proyekto ay ang opurtunidad na makatrabaho ang mga bagong kasama, at sa pamamahala ng pananaliksik ay nakatuklas kami ng mga matalinong tao na may naiiba at libreng kakayahan na pwede nilang maibahagi. Kami ay natutuwa na salubungin si Marc Herman sa komunidad ng GV bilang programang mandeyer para sa proyekto. Dumating si Marc sa atin kasama ang mahabang kasaysayan bilang isang pagsasariling manunulat, autor, at editor, tagapagsalita ng Bahasa Indonesia, Espanyol, at estudyante ng Catalan. Kailan lamang naging banyagang editor sya para sa True/Slant. Siya ay magtratrabaho upang isama ang iba't ibang palagay kung paano malapitan ng GV ang itong pagpapalit. Ang lawak ng kanyang pananaliksik ay sa pokus ng pangangailangan ng dakong tanong – kung sino ang may nangangailangan ng pagsasalinwikang pagpapalit? Paano mahanap ng mga manggagamit ang nais nilang matukoy na nilalaman? Paano sila maka-ambag ng kalipunan para sa pagsasalinwika? Paano kilalanin ang madla na nangangailangan ng mapagkakati-walaang takbo ng nilalaman sa iba't ibang wika?

Makasama ni Marc sa pananaliksik ang dalawang tao na naging aktibo na sa komunidad ng Pandaigdigang Boses, sina Bernardo Parrella at Leonard Chien. Si Bernardo ay kasalukuyang editor sa Lenguaheng Italya, at isa ring mahusay na tagapagsalin ng maraming aklat sa Ingles para sa wikang Italya, na may pokus sa teknolohiya, makabagong media, at pagbabago sa panlipunan? May maraming karanasan din sa mga online na kasangkapan sa pagsasalinwika at sa teknolohiya pati na rin sa mga komunidad ng pagsasalinwika, at makapagtakbo ng pananaliksik na angkop sa plataporma para sa teknolohiya, mga posibleng kasama sa teknolohiya, at ipalagay mo na may maidulot na tulong at may mapupuntahang online na lugar para lamang sa mga nakisaling tagapagsalin. Si Leonard ay isa sa mga direktor ng Lingua, ang komunidad ng pagsasalinwika ng GV, na kasalukuyang nagsasalin ng nilalaman ng GV sa higit sa labing-limang lenguahe. Si Leonard ang mangangasiwa sa aspektong komunidad ng pagpapalit, pati na rin ang paggamit ng kanyang hilig sa estadistika at pamumuna sa mabuting gawa.

Sina Marc, Bernardo at Leonard ay mag-aakda ng isang blog na maglilingkod bilang sentral ng mga ideya, mga pag-uusapan, mga tala, mga pagwawari-wari, at mga balangkas ng artikulo. Ang blog na ito ay makapanguna nga para pa sa isang pormal na pananaliksik, pero ang proseso kung paano maging maliwanag ang pagpapalit ng mga ideya, at malawakang partisipasyon sa paggawa nito ay mahalaga sa paglikha ng proyekto na pinangangahulugan ang pagsasama at komunidad. Ang wiki ng Pandaigdigang Boses ay ang kasalukuyang tahanan ng lahat ng mga pananaw sa itong pagpapalit. Ang lokasyong iyon ay hindi lamang madaling mawala, at babatakin namin ang pinakamahusay na nilalaman sa wiki para ilagay sa blog.

Kung ikaw ay interesado sa itong pagpapalit o nagtataka kung paano ka makasali, ang pinaka simpleng gawin mo ay maglagay ng iyong komento sa blog. Doon mahanap mo rin ang talan ng aming pananaliksik, mga bagong sulat, oportunidad para maka-ambag, at pangunahing paghahanap, pati na paminsan-minsan mga letrato ng aming paboritong hayop, tao o bagay, katulad ng aso ni Marc na si Paio, na kasalukuyang tumatakbo bilang maskot. (pumunta sa proyektong blog para makita ang imahen!)


Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.