International Blogging Network na Global Voices, idadaos ang Summit para sa ika-10 anibersaryo sa Cebu City, Philippines sa Enero

Global Voices 2010 Summit – Santiago, Chile

Global Voices 2010 Summit – Santiago, Chile. Larawang kuha ni David Sasaki (CC BY-NC-SA 2.0)

Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan:

Georgia Popplewell
Stichting Global Voices
georgiap@globalvoicesonline.org
https://www.globalvoicesonline.org
https://summit2015.globalvoicesonline.org
Tel: +1 (868) 681-6103

Magtitipun-tipon ang mga kalahok mula sa mahigit sa 60 bansa sa Cebu City, Philippines sa ika-24 hangang ika-25 ng Enero para sa Citizen Media Summit 2015 ng Global Voices. Ito ang ikaanim na biennial summit na inorganisa ng Global Voices, ang kilalang international citizen media network na itinatag noong 2004 sa Harvard University.

Bukas sa publiko, gaganapin ang Citizen Media Summit ng Global Voices sa Cebu Provincial Capitol at magtatampok ng mga guest speaker, panel, talakayan at workshop na magsisiyasat sa mga koneksiyon sa pagitan ng open Internet, kalayaan sa pagpapahayag (freedom of expression) at mga online civic movement sa buong mundo. Tatalakayin sa programa ng Summit ang mga isyu tulad ng ebolusyon ng blogging sa Pilipinas, freedom of information, online harassment, indigenous languages at multilingualism online, security at surveillance, at overview ng mga global protest movement kamakailan lang.

Maaaring magparehistro ang publiko sa https://summit2015.globalvoicesonline.org/ upang makadalo sa event. Para sa mga residenteng Filipino, ang halaga ng admisyon para sa dalawang araw ay PHP 2,000; may special student rate na PHP 1,000. Upang mahikayat ang pakikilahok ng mga Filipino Twitter user at blogger, nagsasagawa din ang Global Voices ng dalawang kompetisyon na naghahandog ng mga travel grant at free admission.

Sa mga nakaraang Global Voices Summit sa UK, India, Hungary, Chile at Kenya, nagawang pagsama-samahin ang pinakamakabago at nakaka-inspire na mga komunidad ng digital activist at citizen media/blogging mula sa buong mundo, at napatunayan ito bilang isang masaganang punlaan para sa mga ideya at kolaborasyon sa kabila ng mga hangganan.

“Ang Pilipinas ay isang lider sa Asya sa usapang press freedom at digital innovation,” sabi ni Ethan Zuckerman, co-founder ng Global Voices at direktor ng Center for Civic Media ng MIT. “Labis kaming natutuwa sa pagkakaroon ng pagkakataon na magtipun-tipon sa Cebu, upang makaugnayan ang mga local expert sa citizen media at para matuto mula sa at kasama ang aming mga kasamahang Filipino.”

Ang Global Voices Summit ay itinataguyod ng Ford Foundation, MacArthur Foundation, Google, Lalawigan ng Cebu, Knight Foundation, Sun Star Publishing, Open Society Foundations at Yahoo!.

Stichting Global Voices
Kingsfordweg 151
1043GR Amsterdam
Netherlands

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.