Anunsyo: Global Voices 2015 Summit gaganapin sa Cebu, Pilipinas sa ika-24–25 ng Enero!

Kapitolyo ng Lalawigan ng Cebu, venue ng 2015 Global Voices Summit sa ika-24-25 ng Enero

Kapitolyo ng Lalawigan ng Cebu, kung saan gaganapin ang 2015 Global Voices Summit sa ika-24-25 ng Enero. Kuna ni Mike Gonzalez CC BY-SA 3.0

Ikinagagalak naming ipaalam na ang Global Voices Citizen Media Summit 2015 ay gaganapin sa ika-24-25 ng Enero sa syudad ng Cebu sa Pilipinas.

Sa unang pagkakataon, dadalhin tayo ng ika-anim na Citizen Media Summit sa Timog-Silangang Asya, kung saan tatalakayin sa dalawang araw na pagtitipon kasama ang mga blogger, aktibista at dalubhasa sa teknolohiya ang kalagayan ng citizen media, internet at online na pakikilahok sa loob ng kagalang-galang na Kapitolyo ng Lalawigan ng Cebu sa syudad ng Cebu. Ang 2015 Summit, katulad ng mga nakaraang pangyayari, ay isang malaking pagkakataon para sa pag-aaral at pagbabahagi kasama ang isang pambihirang pandaigdigang komunidad.

Antabayanan sa susunod na linggo ang paglulunsad ng summit web site kung saan matutunghayan ang mga detalye ng kaganapan, detalye sa pagpaparehistro at iba pa — at tandaan ang petsa!

Pumunta sa website ng ginanap na Summit.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.