Ang Kawanihan ng Pandaigdigang Inang Wika (IMLI) ng Bangladesh ay pinarangalan ang inisyatibo ng Rising Voices na Activismo Lenguas ((Language Digital Activism) ng prestihiyosong Parangal Para sa Pandaigdigang Wika 2021, upang kilalanin ang “mahusay na kontribusyon tungo sa proteksyon, pagpapalaganap, at muling pagbuhay ng mga katutubong wika” ng proyekto.
Si Sheikh Hasina, ang Punong Ministro ng Republika ng Bangladesh at ang Punong Patron ng IMLI ang naggawad ng mga parangal sa isang maliit na seremonya na ginanap sa Dhaka, Bangladesh noong Pebrero 21, 2021.
Ito ang unang taon na kinilala ng IMLI ang apat na indidibwal at organisasyon, mula pambansa at pandaigdigan, para sa kanilang gawaing may kaugnayan sa lenggwahe. Ang mga parangal ay iginawad bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Inang Wika, na inaalala sa buong mundo tuwing Pebrero 21 mula nang ito ay naiproklama noong 1999. Kabilang sa mga pamantayan para sa karangalan na ginaganap tuwing ikalawang taon ang “ispesyal na kontribusyon sa paggamit ng mga digital na teknolohiya upang panatilihin, proteksyunan, at muling buhayin ang inang wika.”
Ang Rising Voices, seksyon para sa outreach at digital na inklusyon ng GlobaVoices, ang naglunsad sa Activismo Lenguas isang inisyatibo na naka-pokus sa Latin Amerika noong 2014, pagkatapos ng Unang Pagtitipon Ng Digital na Aktibismo Para sa Katutubong Wika na ginanap sa Oaxaca, Mexico, kung saan katulong na nag-organisa ang Rising Voices. Mula ng unang pagpupulong na iyon, may mga katulad na pagtitipon din na ginanap sa Colombia, Peru, Bolivia, Ecuador, Guatemala at Chile, na naglalayong lumikha ng mga lugar at network para sa pagaaral at palitan ng mga kaalaman.
Bukod sa mga pagtitipong ito, sinusuportahan din ng Rising Voices ang maliliit na proyekto ng aktibismong digital sa apat na bansa, nagsagawa ng dalawang proyeto sa pagsasaliksik, lumikha ng isang online directory para sa mga digital na proyekto, nagpulong ng Network Ng Mga Digital Na Aktibista Ng Katutubong Wika, at lumikha ng kasalukuyang @ActLenguas na kampanya sa social media, kung saan ang mga aktibista ng katutubong wika ay palitang nagbabahagi ng kanilang mga karanasan sa paggamit ng teknolohiya sa pangangalaga ng wika.
“Ang parangal na ito ay isang testamento sa impak na nagagawa ng mga digital na aktibista ng lenngwahe sa Latin Amerika at sa malaking potensyal ng kanilang gawain, ” sabi ng direktor ng Rising Voices na si Eddie Avila.
“Sa paggamit ng kapangyarihan ng Internet at digital na teknolohiya, ipinapakita ng mga aktibistang ito ang kakayahan ng mga kasangkapang ito upang mahikayat ang mga bagong henerasyon ng mga tagapagsalita at upang magkaroon ang kanilang mga lenggwahe ng mas malawak na presensya online. Tinatanggap namin ang parangal na ito kasama ng mga daan-daang mga aktibista ng katutubong lengguwahe at ng kanilang mga komunidad, na nagbahagi ng kanilang malawak na kaalaman at karanasan sa iba upang maging posible ang proyektong ito. Kami ay umaasa sa kanilang patuloy na suporta habang patungo sa Pandaigdigang Dekada ng Mga Katutubong Wika sa 2022.
Kabilang sa mga nagwagi sa 2021 ay sina Propesor Mohammad Rafiqul Islam at Mathura Bikash Tripura mula sa Jabrang Welfare Association ng Bangladesh. Ang iba pang mga tumanggap ng pangdaigdigang parangal ay sina Islaimov Gulom Mirzaevich, na kinilala sa kaniyang mga nagawa para sa lenggwaheng Uzbek.