[Lahat ng link sa artikulong ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lamang kung may nakasaad.]
[Ang orihinal na bersyon ng artikulong ito ay unang inilathala sa La Opiñón [es], isang online na pahayagan ng mga mamamayan mula sa network ng Mi Voz (Aking Boses)]
Umusbong ang isang kilusang panlipunan sa rehiyon ng Aysén sa Patagonia, Chile, upang igiit ang mas magandang kalidad ng pamumuhay at mas mababang presyo ng mga bilihin, ayon na rin sa unang ibinalita ni Elizabeth Rivera para sa Global Voices.
Kuha ng mga mamamayan ng Aysén ang mga litrato ng matinding salpukan noong madaling araw ng ika-22 ng Pebrero, ang pagharang ng kalsada sa pagitan ng Puerto Aysén at Puerto Chacabuco, ang panggigipit ng pulisya at walang-humpay na pagpoprotesta, at ibinahagi nila ang mga ito sa mga social networking site.
Twitter ang naging pangunahing hantungan ng mga natatanging larawan ng mga kilos-protestang ito, na pinaralisa ang rehiyon.
Ang pagsakop sa Tulay ng Chacabuco, Jorge Espinoza C. (@espinozacuellar):
Mga barikada tuwing gabi, Kilusan para sa Aysén (@despiertaAYSEN):
Ang pagpapahayag ng Coyhaique sa lansangan, mula kay Kallfulikan (@Kallfulikan):
Ang kalsadang nagdudugtong sa Puerto Aysén at Puerto Chacabuco, ni Patricio Segura (@patsegura):
Mga kalsadang hinarangan, Alonso Nuñez (@alonso_nunez):
Ang daan patungong Coyhaique, Jorge Espinoza C. (@espinozacuellar):