Mga kwento tungkol sa Media & Journalism noong Mayo, 2012
WITNESS: Alamin ang Paggamit ng mga Bidyo para sa Pagbabago
Layon ng grupong WITNESS na bigyang kakayahan ang taumbayan na ipagtanggol ang nararapat na hustisya at umahon mula sa samu't saring kwento ng pang-aabuso. Nakapagturo na ang grupo sa mga hands-on workshop ng mga indibidwal mula sa humigit 80 bansa. Upang mapalawak ang sakop ng kanilang proyekto, inilunsad ng WITNESS ang isang komprehensibong kurikulum sa pagsasanay sa paggamit ng bidyo para sa adbokasiya ng karapatang pantao. Libreng maida-download ang nasabing kurikulum.
Pamamahayag sa Social Media, Bibigyang Gantimpala ng Robert F. Kennedy Center
Tumatanggap ng mga nominasyon para sa Gatimpala sa Pamamahayag para sa Pandaigdigang Potograpiya at Pandaigdigang Social Media ang Robert F. Kennedy Center, isa sa mga kapita-pitagan at nangungunang pandaigdigang organisasyong nagtataguyod ng karapatang-pantao. Pinapangasiwaan ang nasabing patimpalak ng tanggapan ng RFK Center sa Florence, Italy.
Bidyo: Botohan sa Adobe Youth Voices Aspire Awards, Binuksan
Ibinida ng mga kabataan ang kanilang mga gawa sa Adobe Youth Voices Aspire Awards, gamit ang mga kagamitang multimedia na kanilang natutunan. Kabilang sa mga kalahok ng patimpalak ang mga dokyumentaryo, music bidyo, tula, audio, graphic design, salaysay, animasyon, at potograpiya.
Tsina, Pilipinas: Tensyon sa Pag-angkin sa Scarborough Shoal, Tumitindi
Lalong umiinit ang tensyon sa pinag-aagawang Scarborough Shoal o Huangyan Island sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Isiniwalat ng media ng pamahalaang Tsina na hindi na nito papayagan ang panghihimasok ng mga barkong pandagat ng Pilipinas sa Dagat Timog Tsina.
Tampok na Sanggunian: Gabay sa Pamamahayag ng Datos – Ang Makabagong Paraan ng Pagsasalaysay
Ang pamamahayag na gumagamit ng datos ay isang proseso ng pagsisiyasat at pagsasala ng mga datos na matatagpuan online. Sa pagnanais na makalikha ng detalyadong gabay sa pamamahayag ng datos, idinaos ang dalawang araw na pagsasanay na nilahukan ng ilang mamamahayag at dalubhasa ng kompyuter, kasabay ng Mozilla Festival sa lungsod ng Londres. Pormal na inilunsad ang nasabing Gabay (na maaring ma-download online) noong ika-28 ng Abril, 2012 sa Pandaigdigang Pagdiriwang ng Pamamahayag na ginanap sa bayan ng Perugia.