Mga kwento tungkol sa Digital Activism noong Mayo, 2012
WITNESS: Alamin ang Paggamit ng mga Bidyo para sa Pagbabago

Layon ng grupong WITNESS na bigyang kakayahan ang taumbayan na ipagtanggol ang nararapat na hustisya at umahon mula sa samu't saring kwento ng pang-aabuso. Nakapagturo na ang grupo sa mga hands-on workshop ng mga indibidwal mula sa humigit 80 bansa. Upang mapalawak ang sakop ng kanilang proyekto, inilunsad ng WITNESS ang isang komprehensibong kurikulum sa pagsasanay sa paggamit ng bidyo para sa adbokasiya ng karapatang pantao. Libreng maida-download ang nasabing kurikulum.
Tampok na Kagamitan: Ang Mobiles In-A-Box

Kahit sa mga pamayanang liblib at hindi gaanoong napapansin, malawakang ginagamit ang mga mobile phone. Napakahalaga na matutunan ng mga citizen journalist at aktibista ang maraming kakayahan at kagamitan ng teknolohiyang mobile. Ang mobiles in-a-box mula sa grupong Tactical Technology Collective ay koleksyon ng mga kasangkapan at gabay sa paggamit ng teknolohiyang mobile para sa mga samu't saring adbokasiya ng mga kilusan at organisasyon.
Pamamahayag sa Social Media, Bibigyang Gantimpala ng Robert F. Kennedy Center
Tumatanggap ng mga nominasyon para sa Gatimpala sa Pamamahayag para sa Pandaigdigang Potograpiya at Pandaigdigang Social Media ang Robert F. Kennedy Center, isa sa mga kapita-pitagan at nangungunang pandaigdigang organisasyong nagtataguyod ng karapatang-pantao. Pinapangasiwaan ang nasabing patimpalak ng tanggapan ng RFK Center sa Florence, Italy.
Bidyo: Botohan sa Adobe Youth Voices Aspire Awards, Binuksan
Ibinida ng mga kabataan ang kanilang mga gawa sa Adobe Youth Voices Aspire Awards, gamit ang mga kagamitang multimedia na kanilang natutunan. Kabilang sa mga kalahok ng patimpalak ang mga dokyumentaryo, music bidyo, tula, audio, graphic design, salaysay, animasyon, at potograpiya.
Bidyo: Robot, Tinuturo ang Ligtas na Paggamit ng Internet
Komplikadong bagay ang usaping kaligtasan sa internet; minsan ang mga problema nito ay mahirap harapin o maunawaan. Sa pamamagitan ng nakakatuwang robot at ilang maiikling bidyo, layon ng pangkat na Tactical Tech Collective na ituro ang pangangalaga sa sariling kaligtasan sa paggamit ng internet.