Espanya: Sining, Kasabay na Sumibol sa Pandaigdigang Kilusan

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Espanyol, maliban na lamang kung may nakasaad.]

Ang artikulong ito ay bahagi ng aming espeyal na pagtalakay sa seryeng Krisis sa Europa [en].

Noong Mayo 12 (12M) hanggang Mayo 15 (15M), idinulog muli ng sama-samang pagkilos sa mga lansangan ng bansang Espanya ang pagtutol sa kasalukuyang pagpapatakbo sa mga bangko at institusyong pinansyal. Nanawagan ang kilusan na maipatupad ang isang sistemang mas demokratiko, patas at sumasaklaw sa mas nakakarami. Hindi naman nabigo ang kilusang 15M sa kanilang layuning manatili sa lansangan, mapadami ang bilang ng mga lumalahok sa mga demonstrasyon, at maipahayag sa publiko ang kanilang pagkadismaya.

Patuloy na nagtitipon-tipon ang mga ordinaryong mamamayan sa mga asembliya, komite, at mga grupong nagtatalakay sa mga isyung kinakaharap ng lipunan at nagtutulungan upang maisagawa ang kanilang mga pakay. Naging inspirasyon sa ibang bansa ang “kalapastanganan” sa Espanya, at nagbigay daan sa pandaigdigang pagkilos noong ika-15 ng Oktubre noong isang taon sa higit 900 siyudad at 82 bansa. Noong ika-12 ng Mayo, 2012, muling idinaos ang mga protesta sa Espanya, at maging sa ibang parte ng mundo.

Umusbong din ang sining kasabay ng paggunita sa 15M. Tinipon ng blog na Voces con Futura (Mga Boses ng Kinabukasan) ang iba't ibang larawan ng mga panawagan at patalastas na nakapaskil sa mga liwasan kasabay ng kilos-protesta. Ang may-akda ng naturang blog ay isang Kastilang tagapagdisensyo na nakabase sa ibang bansa, na nais munang ilihim ang kanyang pagkakakilanlan. Para sa kanya, higit na mahalaga na mapansin ng mundo ang kakaibang talento at pagkamalikhain ng mga tao na kusang nangingibaw sa mga protesta.

Upang gunitain ang unang anibersaryo ng 15M at ang mga kaganapan noong 12M–15M, at upang mahikayat ang lahat na muling sakupin ang mga lansangan, inilathala ng blog na # Acampadasol ang mga kahanga-hangang paskil na nagpapakita ang tunay na damdamin ng kilos-protesta. Narito ang ilang malikhaing paskil ng mga mamamayan:

"Ang bagong mundo ay posible"

Ocupa toda la calle

"Mananatili kami sa mga plaza"

Cartel anti-corrupción

"Kung magnanakaw ka, huwag kang mamuno"

Primavera Global

Parodia para anunciar el despertar de la ciudadanía

"Ayaw namin ng mga reporma…Gusto namin ng ibang sistema"

Lahat ng litrato ay nakalathala ayon sa lisensyang CC BY 3.0 [en].

Ang artikulong ito ay bahagi ng aming espeyal na pagtalakay sa seryeng Krisis sa Europa [en].

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.