Mga kwento noong Roundups
Malaysia Naglunsad ng Bagong Logo bilang Pinuno ng ASEAN 2015
Ang bansang Malaysia ang bagong pinuno ng Asosasyon ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (Association of Southeast Asian Nations – ASEAN) para sa taong 2015. Ang taong ito ay kritikal para sa ASEAN sa paglalayon ng rehiyon na magkaroon ng kumpletong integrasyon bilang isang nagkakaisang komunidad. Ang bagong logo ay kumakatawan sa “pagkakaisa, pagtutulungan at aspirasyon ng mga mamamayan mula sa sampung bansang-kasapi ng ASEAN na naglalayong magkaroon ng nagkakaisang pananaw” ng komunidad.
Japan: Pagsugod ng “1,000 Barkong Instik”, Pinasinungalingan
Mali ang impormasyong nakasulat sa mga pahayagan [jp] tungkol sa Senkaku (Diaoyu) Islands, mga teritoryong pinag-aagawan ng Japan at Tsina. Ayon ito sa ulat ng Gohoo.org [jp], isang website na ang trabaho ay kumpirmahin ang katotohanan sa mga binabalita ng mga dyaryo sa Japan. Narito ang isang halimbawa [en].
Japan: Biyolin sa Customs ng Frankfurt, Ipinetisyon
Hinarang ng mga opisyales ng customs sa Paliparan ng Frankfurt sa Alemanya ang isang Guarneri biyolin na pagmamay-ari ng musikerong Hapones na si Yuzuko Horigome noong ika-16 ng Agosto, 2012. Idinahilan ng mga otoridad ang kakulangan ng sapat na papeles. Humihingi pa ito ng US$ 500,000 upang maibalik ang nasabing kargamiyento.
(more…)
Pandaigdigang Araw ng mga Rhino
Itinalaga ang ika-22 ng Setyembre, 2012, bilang World Rhino Day. Sa kasalukuyan, tinatayang may 22,000 puting rhino at 4,800 itim na rhino [en] ang natitira sa Aprika. Dahil sa walang habas na pagdakip ng mga ito, pinapangambahang tuluyang maubos ang dalawang species ng rhino pagdating ng 2025! Narito ang ilang impormasyon [en] hinggil sa iligal na kalakal ng mga sungay ng rhino.
Indiya, Pakistan: Paghihigpit sa Visa, Pinetisyon
Mahigpit sa pagbibigay ng visa ang mga bansang Indiya at Pakistan para sa mga mamamayang gustong bumisita sa kani-kanilang pamilya sa karatig-bansa. Sa kasalukuyan, may bagong idinagdag na alituntunin o protocol para sa pagkuha ng tourist visa sa pagitan ng dalawang bansa sa Timog Asya. Isinusulong ng inisiyatibong ‘Journeys To Democracy’ [en] ang petisyong ‘Aman ki Asha Milne Do’ [en] upang tuluyan itong mabago.
UK: Natatanging Alok sa Pagpapakasal
Ipinahayag ni Dan Braghis [en] kay Sylwia Presley, kasapi at awtor ng Global Voices [en], ang pagnanais nitong magpakasal sa binibini, sa gitna ng pagtitipon ng mga miyembro ng Oxford Geeks sa #OGN28. Wala namang pag-aatubiling sinagot ni Sylwia ang binata ng matamis niyang oo! Maligayang bati sa dalawa!
‘Gangnam Style’, Ginaya ng Hilagang Korea
Sa website ng pamahalaan ng Hilagang Korea na Uriminzokkiri, iniupload ang isang bidyo [en] na may pamagat na “I'm Yushin style!” bilang panggagaya sa ‘Gangnam Style‘ [en] na pinasikat ng Timog Korea. Naging sentro ng katuwaan sa bidyo si Park Geun-hye, ang kandidato sa pagkapangulo ng kasalukuyang namumunong partido sa Timog Korea. Si Binibining Park ay anak ng dating Pangulong Park Chung-hee, na nakilala bilang isang diktador noong 1970s, kung saan sinupil ng sistemang “Yushin” [en] ang demokrasya at malayang pamamahayag sa bansa.
http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=-6x3cUtcMwM
Albania: Pagtatanghal ng mga Maiikling Pelikula, Idinaos
Nagbukas noong ika-20 ng Setyembre sa siyudad ng Tirana ang Balkans Beyond Borders Short Film Festival 2012 [en]. Ito ang ikatlong pagkakataon na ginanap ang nasabing patimpalak; ang napiling tema [en] sa taong ito ay “MAG-USAP TAYO – pagkakaiba-ibangwika at pakikipagtalastasan”. Ang talaan ng mga isinagawang aktibidades sa loob ng tatlong araw ay makikita sa website na ito [en].
Myanmar: Pulis na Tumatanggap ng Kotong, Huli sa Akto
Libreng Pera Ipinamahagi sa mga Lansangan

Araw ng Libreng Pera, na taun-taong isinasagawa tuwing ika-15 ng Setyembre, na nagsusulong ng magkatuwang na pandaigdigang ekonomiya. Litratong kuha ni @Donmacca sa Flickr (CC-BY-2.0)
Indonesia: Pelikulang Kontra-Muslim, Mariing Tinutulan
Gresya: Partidong Neo-Nazi ‘Golden Dawn’, Nais Paimbestigahan

Mga kasapi ng partidong Golden Dawn na nagpapanggap na mga pulis – at biglang inatake ang isang tindahan.
Sinuportahan ng mga Twitter users mula sa iba't ibang panig ng mundo ang petisyon online para imbestigahan ang mga reklamong kriminal laban sa partidong Golden Dawn sa bansang Greece.
New Caledonia: Pagmimina ng Nickel, Humantong sa Away-Pulitika
Siniyasat ni Claudine WERY ang tensyon sa pulitika [fr] sa bansang New Caledonia sa pagitan ng mga partidong independentist at non-indenpendentist, na nag-ugat sa isyu ng pagmimina ng nickel. Banat ng mga non-independentists, nakipagkasundo ang kabilang panig sa mga bansang Tsina at Timog Korea kahit hindi ito otorisado.
Samantala, nakatakdang isagawa ang isang referendum sa pagitan ng mga taong 2014 at 2018 hinggil sa pagkalas ng New Caledonia, isang arkipelago sa Timog Pasipiko mula sa pamamahala ng bansang Pransiya.
Mozambique: Ang Layon ng Isang Musikero

Pagtugtog ng instrumentong Ndjerendje na binuo ni Ruben Mutekane. Maputo, Mozambique (Setyembre, 2012). Bidyong kuha ni Miguel Mangueze sa YouTube
Sa bayan ng Maputo, Mozambique, mapapanood si Ruben Mutekane na kumakanta at tumutugtog ng Ndjerendje, isang instrumentong kanyang inimbento. Mapapanood dito ang maikling bidyong kuha ni Miguel Mangueze (@FotoMangueze).
(more…)
Mozambique: Mga Bisikleta, Nagsisilbing Taksi sa Lungsod ng Quelimane

“Mozambique: Mga bisikletang taksi ang hari ng kalsada sa Quelimane.” Litratong kuha ni António Silva (pampublikong copyright)
Togo: Lansangan sa Lomé, Binaha ng mga Nakapula

Martsa ng mga Kababaihang Togolese, litratong kuha ng grupong Let's Save Togo, mula sa Flickr, may pahintulot sa paggamit.
Libu-libong kababaihan na nakasuot ng pula ang dumagsa at nagmartsa sa Lomé, kabisera ng Togo, noong ika-20 ng Setyembre upang igiit ang repormang pampulitika. Ibinahagi ng samahang Let's Save Togo ang koleksyon ng mga litrato [fr] mula sa nasabing kaganapan.
Myanmar: Kilos-Protesta, Ginanap sa Araw ng Kapayapaan

Alinsabay sa pagdiriwang ng Araw ng Kapayapaan, isang demonstrasyon ang inorganisa noong ika-21 ng Setyembre bilang panawagan na matuldukan ang nagaganap na digmaang sibil sa hilagang Myanmar. Litrato mula sa Facebook page ng CJ Myanmar
Tsina: Mga Demonstrador Kontra-Japan, Hinarangan ang Sasakyan ng Embahador ng US
Sa bidyong kuha ni Weiwei Ai [zh] na mapapanood sa YouTube, makikita ang isang pangkat ng mga Intsik na nagsasagawa ng kilos-protesta laban sa bansang Hapon sa likod ng embahada ng Estados Unidos, kung saan kanilang hinarang ang sasakyan ni Ambassador Gary Locke. Tutol ang grupo sa polisiya ng Amerika hinggil sa ugnayang panlabas.
Japan: Araw ng Kapayapaan, Tampok sa Patimpalak ng mga Pelikula
Noong ika-21 ng Setyembre, na kinikilalang Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan, idinaos ang United for Peace Film Festival 2012 sa Yokohama, Japan. Nilikha ng mga mag-aaral ang mga isinumiteng maiikling bidyo na galing pa sa iba't ibang panig ng mundo.
(more…)
Ehipto: Mga Mural na Binura ng Pulisya, Nagbabalik sa Lansangan

Balik-trabaho ang mga pintor sa Kalye Mohamed Mahmood sa Cairo matapos burahin ng pulisya ang mga mural sa lugar. Litratong kuha ng @RashaPress mula sa Twitter
(more…)
Bahrain: Website ng Pagpupulong ng UN, Hinarangan

UN webcast page [en], ipinagbawal sa Bahrain, larawang ibinahagi ni @MohdMaskati [en] sa Twitter
(more…)
Global Voices, Pinarangalan sa Gawad Highway Africa

Mga Nagwagi: Dorothee Danedjo mula Cameroon at Ndesanjo Macha ng Global Voices. Litratong kuha ni Ettione Ferreira (ginamit ng may pahintulot)
Olanda: Balkan Snapshots Festival 2012
Inorganisa ng Balkan Buro, isang Dutch non-profit na “nagpapahalaga sa ugnayang sining at kultura ng Kanlurang Europa at Timog-Silangang Europa”, ang Balkan Snapshots Festival 2012, na ginanap sa bayan ng Amsterdam noong Setyembre 21-23, “tatlong gabi ng musika, pagkamalikhain, pelikula at malayang talakayan!”