Mga kwento noong and

Mga Ilog sa Alemanya, Sinakop ng mga Talangka mula Tsina

  5 Oktubre 2012

Ayon sa pag-uulat ng China Hush [en], malaking problema ang pagdami ng mga talangkang Chinese mitten crabs sa mga ilog ng Alemanya. Isa sa mga naiisip na solusyon ng mga mangingisdang Aleman ay ang ibenta ang mga ito sa mga restawrang Intsik.

Pilipinas: Mga Programang Elektronik ng Gobyerno

  20 Hunyo 2012

Siniyasat ni Clarice Africa ang ilang inisiyatibong elektronik ng gobyerno ng Pilipinas [en], o ang e-governance na tinatawag, na inaasahang tutulong sa pagpapabilis at pagpapaganda ng takbo ng mga serbisyo publiko at magsusulong ng transparency o ang pagiging bukas nito.

Mga Mapa ng Baidu, Sumasalamin sa Tsina

  17 Hunyo 2012

Patok ngayon sa website na China Beat ang mga larawan ng mapa ng Tsina [en] na nilapatan ng mga resulta ng paghahanap ng ilang salita sa search engine ng Baidu. Kapansin-pansin ang kuwento sa likod ng mga larawan, na sinasabing sumasalamin sa kalagayan ng bansa – matatag na pamahalaan, matatag...

Pilipinas: Talakayan Hinggil sa K-12 Bilang Repormang Pang-edukasyon

  15 Hunyo 2012

Matiyagang inipon at inilista ni Angel de Dios ang iba't ibang artikulo at mga komentaryo tungkol sa ipinapatupad na programang K-12 [en] bilang mahalagang reporma sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Nais ng gobyerno na dagdagan ng dalawang taon ang nakagaiwang bilang ng panimulang edukasyon, bukod pa sa pagrerepaso ng kurikulum.

Vietnam: Luntiang Espasyo sa Lungsod ng Ho Chi Minh, Naglalaho

  11 Hunyo 2012

Ikinalungkot ng manunulat sa blog na Backwater Views ang tungkol sa “matinding kakulangan ng luntiang espasyo” [en] sa siyudad ng Ho Chi Minh sa bansang Vietnam. Tinukoy ng may-akda na may 50 porsiyento ng kabuuang luntiang espasyo ang nabura sa mukha ng lungsod sa pagitan ng 1998 at 2008, ayon...

Taiwan: Nasaan ang mainland?

  24 Hunyo 2010

Tinalakay ni Tim Maddog sa Taiwan Matters ang paggamit ng mga tao sa Taiwan sa salitang “mainland” upang tukuyin ang Tsina. Iginiit niya na ito ay bahagi ng mga turo ng Partido Nasyonalista ng Tsina (KMT). Isinalinwika niya ang isang artikulo na nagtatalakay ng kung paano na ang gamit ng...

Tsina: Panunumpa ng isang Mamamayan

  23 Hunyo 2010

Isinalinwika ni C. Custer ng China Geek ang panunumpa ng mamamayan na isinulat ng isang blogger, Tiger Temple, at umiikot ngayon sa Internet. Ang panunumpa ay isang moral na pahayag laban sa katiwaliang panlipunan at pampulitika.

Hapon: Online Seminar tungkol sa Digital na Pamamahayag

  21 Hunyo 2010

Nagdaraos si Joi Ito ng lingguhang seminar tungkol sa digital na pamamahayag sa Pamantasan ng Keio, na maaaring masaksihan ng live sa UStream. Ang mga panauhin ngayon ay ang mamamahayag ng New York Times na si Hiroko Tabuchi at si Jun Hoshikawa, punong tagapangasiwa ng Green Peace sa Hapon.