Naglabas ang Educación Viva [es] (Mabuhay ang Edukasyon) ng pinakauna nilang bidyo na humahamon sa tradisyonal na sistema ng edukasyon, na pinamagatang Hindi Ako Naniniwala sa Paaralan Ngunit Naniniwala Ako sa Edukasyon. Sa bidyong ito na may kasamang subtitle sa wikang Ingles, binigkas ng higit sa 20 kalalakihan at kababaihan ang isang tula tungkol sa sistema ng edukasyon at kung paano ito naiiba sa kanilang paniniwala tungkol sa tunay na kahulugan ng pag-abot ng kaalaman.
¿Qué pasa si te digo que saber no necesariamente es comprender?
Que conocimiento es importante,
pero solo absorber información nos hace más ignorantes.
Comprender es haberlo vivido y experimentado.
Saber es simplemente poder acumularlo.
La Educación sirve para crecer y desarrollarnos,
la Escuela para aprobar el examen y graduarnos como esclavos.
Sa tulong ng kanilang kampanya, nais nilang hikayatin ang mas maraming tao na magpadala ng kani-kanilang reaksyon sa nasabing tula [es] at kunan ito ang bidyo. Sa mga isusumiteng bidyo dapat naiintindihan ang tula at minumungkahing gamitin ang kaparehong tugtog na may lisensyang Creative Commons. Ilalabas nila ang pangalawang bidyo sa mga susunod na araw.