Olanda: Balkan Snapshots Festival 2012

Paskil ng Balkan Snapshots Festival 2012.

Inorganisa ng Balkan Buro, isang Dutch non-profit na “nagpapahalaga sa ugnayang sining at kultura ng Kanlurang Europa at Timog-Silangang Europa”, ang Balkan Snapshots Festival 2012, na ginanap sa bayan ng Amsterdam noong Setyembre 21-23, “tatlong gabi ng musika, pagkamalikhain, pelikula at malayang talakayan!”

Pinasinayaan ang naturang festival sa pamamagitan ng pagpapalabas ng pelikulang Klip (Clip), na mula sa bansang Serbia at idinirihe ni Maja Miloš. Kontrobersyal ang pelikulang ito dahil pinagbawal ito ng Ministeryo ng Kultura ng Russia noong Agosto; narito ang ulat na isinulat ng GV's RuNet Echo tungkol dito.)

[]Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]

Exit mobile version