- Global Voices sa Filipino - https://fil.globalvoices.org -

Gresya: Paskil, Kinutya ang Krisis sa Kawalang-Trabaho

Categories: Western Europe, Greece, Arts & Culture, Citizen Media, Governance, Humor, Labor, Politics

Walang trabaho, larawang likha ni Absent [1]

“Walang trabaho”. Larawang likha ni Absent [2].


Sa kanyang blog post na pinamagatang ‘Cirque de Grece’ (Sirkong Griyego), ibinahagi ni Kostas Kallergis [3] [en] ang poster na kinukutya ang kasalukuyang Punong Ministro ng bansang Gresya na si Antonis Samaras [4] [en], na hango sa poster ng palabas na Alegria [5] [en], tampok ang sikat na grupong Cirque de Soleil.

Ang katagang ‘Alegria’ ay katunog ng salitang Griyego na ‘Anergia’ na nangangahulugang ‘walang trabaho’. Umabot na sa 23.6% [6] [el] ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa ikalawang bahagi ng 2012, ayon sa istatistika ng ahensiyang ELSTAT.