Mga kwento tungkol sa Western Europe noong Mayo, 2012
Pamamahayag sa Social Media, Bibigyang Gantimpala ng Robert F. Kennedy Center
Tumatanggap ng mga nominasyon para sa Gatimpala sa Pamamahayag para sa Pandaigdigang Potograpiya at Pandaigdigang Social Media ang Robert F. Kennedy Center, isa sa mga kapita-pitagan at nangungunang pandaigdigang organisasyong nagtataguyod ng karapatang-pantao. Pinapangasiwaan ang nasabing patimpalak ng tanggapan ng RFK Center sa Florence, Italy.
Netherlands: Unang bansa sa Europa na nagpatupad ng net neutrality
Ang Netherlands ang kauna-unahang bansa sa Europa kung saan naisabatas ang pagpapatupad ng internet na walang kinikilingan, o ang tinatawag na net neutrality. Kasama dito, ipinasa din ang batas na mangangalaga sa privacy ng mga gumagamit ng internet mula sa pangwa-wiretap at sa pagputol ng mga Internet Service Provider (ISP) ng koneksyon ng walang dahilan.
Pransiya: Mga Litrato ng Reaksyon Matapos ang Halalan sa Pagkapangulo
Agad nabigyang kasagutan ang ginanap na halalan sa pagkapangulo ng bansang Pransiya noong ika-6 ng Mayo 2012. Nakakuha si Francois Hollande ng 51.90% ng kabuuang boto, samantalang 48.10% naman ang napunta sa kasalukuyang Pangulo na si Nicolas Sarkozy. Bakas sa mga litrato online ang bawat kaligayahan at panghihinayang ng magkabilang kampo matapos ilabas ang resulta.
Bidyo: Mga Ina Mula sa Iba't Ibang Bansa Nagbahagi ng Kani-Kanilang Karanasan
Sa Pandaigdigang Museo ng Kababaihan, kasalukuyang tampok sa kanilang website ang pagiging ina. Binigyang mukha ng eksibit na MAMA: Pagiging Ina sa Iba't Ibang Bahagi ng Mundo ang samu't saring aspeto ng pagiging ina, sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga kababaihan mula Nigeria, Kenya, Afghanistan, Estados Unidos, Colombia, Hungary, Tsina at Norway.