Mga kwento tungkol sa South Asia

Living Tongues: Mga Kasangkapang Teknolohiya Upang Sagipin Ang Mga Wikang Nanganganib Mawala

Rising Voices  20 Abril 2012

Batid ng Living Tongues Institute for Endangered Languages na sa pagkamatay ng bawat katutubong wikang nanganganib mawala, kasamang nabubura sa kamalayan natin ang kasaysayan ng isang bahagi ng lipunan. Bilang tugon sa isyung ito, nagsasagawa ang naturang surian ng masinop na pagdodokyumento ng mga lenggwaheng sinasabing nasa peligro, at nagbibigay gabay sa mga pamayanan upang mapanatili o buhaying muli ang kanilang kaalaman tungkol sa katutubong wika, sa tulong ng ICT at mga kagamitang likha ng kanilang komunidad. Kumakalap din ito ng sapat na pondo upang makabili ng kagamitang pangrekord at mga kompyuter para sa 8 napiling indibidwal na nagsusulong ng kanilang katutubong wika sa mga pamayanan ng Indiya, Papua New Guinea, Chile at Peru.

Pagkanta ng Pambansang Awit sa Sariling Wika (Ikalawang Bahagi)

Rising Voices  12 Abril 2012

Sa aming pangalawang ulat, tampok ang mga bidyong gawa ng mga mamamayan na itinatanghal ang kani-kanilang pambansang awit na isinalin-wika sa mga wikang katutubo o malimit gamitin, at napag-alaman namin na ipinagbabawal ng mga batas sa maraming bansa na kantahin ang pambansang awit maliban sa anyo ng pambansang wika. Subalit hindi ito nakapag-patinag sa ilang ordinaryong sibilyan na gumamit ng tinaguriang media ng mamamayan upang kantahin ang kanilang pambansang awit sa sariling wika.

Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Music Video na Tulong-tulong na Binuo, Ipinalabas

  11 Abril 2012

Ipinalabas ang isang bagong music video bilang paghahanda sa pandaigdigang pagpapalabas ng pelikulang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"], na gaganapin sa iba't ibang lokasyon kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril, 2012). Tampok sa music video ang mga musikero, makata, at mananayaw na kuha ng bidyo sa loob ng iisang araw, noong ika-10 ng Oktubre 2010, at malikhaing inedit at niremix ni Cut Chemist.

Bidyo: Patimpalak na Firefox Flicks sa Paggawa ng Bidyo

  6 Abril 2012

Ang pandaigdigang patimpalak na Firefox Flicks ay magbibigay gantimpala sa mga maiikling pelikulang magtuturo sa mga gumagamit ng web browser tungkol sa isyu gaya ng privacy, choice, interoperability, at oportunidad, at kung papaano ito tinutugan ng tatak Firefox.

Indya: Paghabol sa Laho ng Araw

  21 Hulyo 2009

Sa ika-22 ng Hulyo, masaksihan natin ang pinakahabang laho sa ika-21 siglo.  Ang laho ay makikita sa pagitan ng 5:20 ng umaga hanggang 7:40 ng umaga, mula sa loob ng isang makitid na pasilyo na dumadangkal sa daigdig. Sa Indya, ang landas ng laho ay babalat sa mga siyudad ng...