Mga kwento tungkol sa Oceania noong Abril, 2012
Living Tongues: Mga Kasangkapang Teknolohiya Upang Sagipin Ang Mga Wikang Nanganganib Mawala
Batid ng Living Tongues Institute for Endangered Languages na sa pagkamatay ng bawat katutubong wikang nanganganib mawala, kasamang nabubura sa kamalayan natin ang kasaysayan ng isang bahagi ng lipunan. Bilang tugon sa isyung ito, nagsasagawa ang naturang surian ng masinop na pagdodokyumento ng mga lenggwaheng sinasabing nasa peligro, at nagbibigay gabay sa mga pamayanan upang mapanatili o buhaying muli ang kanilang kaalaman tungkol sa katutubong wika, sa tulong ng ICT at mga kagamitang likha ng kanilang komunidad. Kumakalap din ito ng sapat na pondo upang makabili ng kagamitang pangrekord at mga kompyuter para sa 8 napiling indibidwal na nagsusulong ng kanilang katutubong wika sa mga pamayanan ng Indiya, Papua New Guinea, Chile at Peru.
Pagkanta ng Pambansang Awit sa Sariling Wika
Makikita sa YouTube ang sangkatutak na bidyong gawa ng mga mamamayan na itinatanghal ang mga pambansang awit na isinalin-wika sa mga katutubong lenggwahe. Batay sa mga komento at puna sa mga bidyo, ipinagmamalaki ng mga gumagamit ng katutubong wika ang mga bidyong ito sapagkat naipagbubunyi nila ang kanilang bayan gamit ang sariling wika.
Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Music Video na Tulong-tulong na Binuo, Ipinalabas
Ipinalabas ang isang bagong music video bilang paghahanda sa pandaigdigang pagpapalabas ng pelikulang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"], na gaganapin sa iba't ibang lokasyon kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril, 2012). Tampok sa music video ang mga musikero, makata, at mananayaw na kuha ng bidyo sa loob ng iisang araw, noong ika-10 ng Oktubre 2010, at malikhaing inedit at niremix ni Cut Chemist.