Mga kwento tungkol sa Middle East & North Africa noong Mayo, 2012
Pamamahayag sa Social Media, Bibigyang Gantimpala ng Robert F. Kennedy Center
Tumatanggap ng mga nominasyon para sa Gatimpala sa Pamamahayag para sa Pandaigdigang Potograpiya at Pandaigdigang Social Media ang Robert F. Kennedy Center, isa sa mga kapita-pitagan at nangungunang pandaigdigang organisasyong nagtataguyod ng karapatang-pantao. Pinapangasiwaan ang nasabing patimpalak ng tanggapan ng RFK Center sa Florence, Italy.
Bidyo: Botohan sa Adobe Youth Voices Aspire Awards, Binuksan
Ibinida ng mga kabataan ang kanilang mga gawa sa Adobe Youth Voices Aspire Awards, gamit ang mga kagamitang multimedia na kanilang natutunan. Kabilang sa mga kalahok ng patimpalak ang mga dokyumentaryo, music bidyo, tula, audio, graphic design, salaysay, animasyon, at potograpiya.
Jordan: Mga Taga-Jordan, “Nagpasalamat” sa Monarkiya
Gamit ang hashtag na #شكرا, o "salamat”, ipinarating ng mga taga-Jordan sa Twitter ang kanilang gustong sabihin sa kanilang monarkiya ng bansa. Lumabas ang mga mapang-uyam na tweet bilang pagpuna sa usad-pagong na reporma sa Jordan.
Panukalang Unyon ng mga Bansa sa Golpo, Sinalubong ng mga Alinlangan
Maugong ang balita tungkol sa panukalang palitan ang kasalukuyang GCC o ang Konsehong Pangkooperasyon para sa mga Golpong Estadong Arabo, at gawin itong unyon na gaya ng EU. Ito ay sa gitna ng tensyon at kawalang-katiyakan matapos ang Himagsikang Arabyano at ang lumalawak na impluwensiya ng Iran. Bilang panimulang hakbang, pinag-uusapan ngayon ang pakikipag-anib ng Saudi Arabia sa Bahrain.
Mayo Uno Ginunita sa Gitnang Silangan
Ipinagdiwang ang Mayo Uno, o ang Araw ng Paggawa, sa mga bansang Arabo. Narito ang mga kaganapan sa taong ito bilang paggunita sa mahalagang araw na ito: sa Libya, idineklara itong pambansang pampublikong holiday, sa Bahrain sinalubong ng pulisya ang mga kilos-protesta, at sa Lebanon na-hack ang website ng Kagawaran ng Paggawa.
Mga Bidyo ng Mayo Uno: Pagmartsa, Kilos-Protesta at Pag-aaklas sa Iba't Ibang Panig ng Mundo
Sa maraming lungsod sa iba't ibang panig ng mundo, nagtipon-tipon ang mga obrero at taumbayan sa mga lansangan upang gunitain ang Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa. Mapapanood sa mga bidyo ng The Real News ang naturang kaganapan sa buong mundo.
Iran: $500,000 Napulot ng Magwawalis, Isinauli
Nakapulot ang isang magwawalis na Iranian na si Ahmad Rabani ng salaping nagkakahalaga ng 1 bilyong Toman (halos 570,000 dolyar US) at isinauli ito sa may-ari. Bilang pabuya, nakatanggap siya ng 200,000 Toman (120 dolyar US).
Dahil sa Paratang ng Pangmomolestiya sa mga Bata, Diplomatikong Iranian Umalis ng Brazil
Inakusahan ang isang Iranian diplomat na nakabase sa bayan ng Brasilia, kabisera ng bansang Brazil, sa salang pangmomolestiya ng mga babaeng menor-de-edad sa isang palanguyan noong ika-14 ng Abril, 2012. Bagamat pinasinungalingan ng embahada ng Iran ang naturang paratang, at sinabing nangyari ang lahat dahil sa "hindi-pagkakaunawaan ng magkaibang kultura", hindi napigilan ng mga netizen sa Iran at Brazil na paulanan ng batikos ang insidente.