Mga kwento tungkol sa Latin America
Puerto Rico: Panlilinlang sa Patalastas, Inilantad ng Isang Blogger
Pinagbigay-alam ng Puerto Rican blogger na si Ed Morales ang kanyang nasaksihan sa shooting ng isang patalastas ng Fiat kung saan pinapakitang nagmamaneho sa mga kalye ng Bronx, New York ang sikat na aktres at mang-aawit na si Jennifer López. Ang totoo, paliwanag ni Morales sa tulong ng mga aktwal na litrato, hindi naman talaga nagpunta si López doon.
Venezuela: Caracas, Sinakop ng Pandaigdigang Pagtitipon ng Katawang Sining
Noong 2011, itinanghal sa Caracas ang Pandaigdigang Pagtitipon ng Katawang Sining, at naging instrumento ang medya ng mamamayan para maibahagi sa ibang tao ang mga nakakamanghang pagpapahayag gamit ang katawan ng tao. Kabilang sa mga itinampok sa pagdiriwang ay ang mga katutubo ng Venezuela at ang kanilang likhang sining sa balat.
Bolivia: Kampanya sa Turismo, Ibinida sa Bagong Bidyo
'Bolivia Te Espera' (Inaantay Ka Ng Bolivia) ang tawag sa bagong kampanyang inilunsad ng pamahalaan ng bansang Bolivia. Layon ng kampanyang ito na mapalawig ang turismo sa bansa sa tulong ng puhunang aabot sa 20 milyong dolyares sa loob ng limang taon, kung saan karamihan nito ay mapupunta sa mga katutubong pamayanan.
Bidyo: Walang Palanguyan? Walang Problema! Mga Malikhaing Sagot sa Tag-init
Dahil sa matinding tag-init na nararanasan ng mga taga-hilagang bahagi ng ating daigdig, kanya-kanyang pamamaraan ang karamihan doon upang matakasan ang umaakyat na temperatura at nang makaramdam ng kaunting pahinga. Pinapamalas ng mga susunod na litrato at mga bidyo ang pagiging malikhain at ang angking imahenasyon ng mga tao, mapabata man o matanda, upang maibsan ang epekto ng mainit na panahon.
Bidyo: Kampanyang ‘Karapatang Pantao, Ngayon Na!’, Inilunsad sa Costa Rica
Noong Biyernes, ika-3 ng Agosto, inilunsad ng grupong Citizens for Human Rights ang kampanyang "Human Rights Now!" (Karapatang Pantao, Ngayon Na!), kung saan nagsama-sama ang mga personalidad ng Costa Rica upang ipanawagan ang paggarantiya ng Pamahalaan sa mga karapatang pantao ng lahat. Sa nasabing bidyo tinalakay ang mga isyu gaya ng pagpapakasal ng mga magkaparehong kasarian at ang mga karapatang sekswal at ligtas na pagdadalangtao ng mga kababaihan.
Chile: Mga Larawan ng Protesta sa Aysén, Ibinahagi sa Twitter
Isang kilusang panlipunan ang umusbong sa rehiyon ng Aysén sa bahagi ng Patagonia sa Chile. Ibinahagi ng mga taga-Aysén sa Twitter ang samu't saring litrato ng mga pagmartsa, pagharang at mga sagupaan na naganap noong Pebrero.
Bidyo: Ang Mangarap ng Olympics sa Colombia
Sa maikling pelikulang "Velocidad" (Tulin) na likha ng estudyanteng si Esteban Barros mula Barranquilla, Colombia, ipinapakita ang pangarap ng isang binata na makapasok sa Olympics. Sapat na kaya ang kanyang matinding pagsisikap, magandang resulta at pagtitiyaga upang makapasok sa kompetisyon? Panoorin ang dalawang minutong bidyong ito at alamin.
Venezuela: Mga Realidad ng Lungsod, Siniyasat sa mga Pelikula
Sa ika-445 na kaarawan ng lungsod ng Caracas, ibinahagi ni Laura Vidal ang mga obra ng tatlong direktor na may iba't ibang perspektibo sa kabisera ng Venezuela upang mapanood ng lahat ng netizen sa loob at labas ng bansa.
Bidyo: Tara na sa mga palengke ng mundo
Sagana sa iba't ibang kulay, tunog at punung-puno ng buhay ang mga palengke at pamilihan, saang dako man sa mundo. Samahan niyo kami sa aming pagbisita - sa pamamagitan ng mga litrato at bidyo - sa mga palengke ng El Salvador, Mehiko, Indiya, Indonesia at Thailand.
Puerto Rico: Ang Buhay, Isang Litrato Bawat Araw
Hatid ni Jose Marti ang isang sulyap sa pamumuhay sa San Juan sa pamamagitan ng kanyang proyekto sa internet na "Mga Litrato sa Araw na Ito".
Puerto Rico: 365 Na Mga Litrato
Pawang sa mga kaibigan lang ibinahagi ni José Rodrigo Madera ang mga litrato sa Facebook, bilang bahagi ng kanyang proyektong "365", hanggang sa mapansin ito ng magasing Revista Cruce at inilathala ang 20 sa mga ito. Narito ang piling larawan mula sa koleksyon ng kanyang magagandang litrato.
Puerto Rico: Pagtutol sa Pagpapacaesarean nang Hindi Kailangan, Ikinampanya sa Internet
Unnecessary Caesarean (Hindi Kailangan ng Caesarean) ang tawag sa kampanyang inilunsad sa Puerto Rico noong Marso. Hangad ng proyekto na bumaba ang lumulobong bilang ng mga nanganganak sa pamamagitan ng caesarean: karamihan sa mga C-section ng bansa ay hindi tumutugma sa mga tunay na pangangailangang medikal.
Puerto Rico: “Revuelo,” Isang Kaaya-ayang Pagkaligalig
"Revuelo" (Ligalig) ang tawag sa kabigha-bighaning proyektong pangsining at arkitektura sa Pambansang Galeriya sa Lumang San Juan. Ibinahagi ng litratista at arkitektong si Raquel Pérez-Puig dito sa Global Voices ang ilang magagandang litrato ng naturang sining.
Chile: Mga Taong Lansangan sa Santiago
Sa lungsod ng Santiago, Chile, at maging sa ibang siyudad sa ibang bansa, lubos na mapanganib ang panahon ng taglamig para sa taong lansangan. Sa pamamagitan ng mga litrato, isinalarawan ni Alejandro Rustom bilang kontribusyon sa Demotix ang tunay na kalagayan ng mga taong walang matuluyan sa kabisera ng Chile, at ipinakita ang kabutihang-loob ng ilang nagmamalasakit sa kanila.
Graffiti at Sining Panglungsod ng Latinong Amerika: Sa Internet at sa mga Lansangan
Buhay na buhay ang paggawa ng mga graffiti at sining panglungsod sa Latinong Amerika. Narito ang maikling sulyap sa mga bagong akda sa mga blog na itinatanghal ang mga litrato at bidyo ng masiglang kilusan ng kontemporaryong sining mula sa iba't ibang panig ng rehiyon.