Mga kwento tungkol sa Indonesia noong Abril, 2012

Taas-Presyo sa Langis Iprinotesta sa Ilang Bayan sa Indonesia

Binaha ng kilos protesta ang mga lansangan ng ilang siyudad sa bansang Indonesia sa mga nakalipas na linggo bunsod ng pagtataas ng presyo ng petrolyo. Pinagdebatihan naman ng mga netizen kung nararapat ba ang pagtataas ng presyo nito. Dumagsa sa microblogging site na Twitter ang mga tao upang iulat ang salpukan sa pagitan ng kapulisan at mga estudyante sa siyudad ng Jakarta.