Mga kwento noong Roundups
Hong Kong: Reporma sa Edukasyon, Mariing Tinutulan
Ibinahagi ni John Choy ang litratong panorama [en] ng kilos-protestang tinutuligsa ang panukalang reporma sa edukasyon na mas kilala sa tawag na “National Education”. Isinagawa ang protesta noong ika-8 ng Setyembre, 2012 sa harap ng tanggapan ng pamahalaan ng Hong Kong.
Maldives: Araw ng Kasarinlan, Ipinagdiwang
Ibinahagi ni Buggee sa kanyang blog [en] ang ilang litrato ng makulay na kaganapan sa Liwasan ng Galolhu sa lungsod ng Male, kabisera ng bansa, bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ang ika-47 anibersaryo sa kasaysayan ng bansa.
Egypt: Pagsalubong sa mga Bayani ng Paralympics
Ibinida ni @MonaMcloof ang paskil na kanyang ginawa upang batiin ang delegasyon ng Egypt na nanggaling sa katatapos na paralympics. @MonaMcloof [en]: Dadalhin ko ‘to sa pagsalubong sa delegasyon ng egypt na mula sa London #Paralympics
Pransiya, Yemen: Naglalahong Kababaihan
Sa kanyang Facebook page[fr], inilagay ni Eloïse Lagrenée ang interesanteng larawang kuha ng litratistang si Bushra Almutawakel [en] na taga-Yemen. Sa larawan, ipinapakita ang unti-unting paglaho ng mga kababaihan dahil sa panggipit ng pundamentalismo at sa pagsusuot ng buong niqab. Umabot sa 1,500 shares ang natanggap ng naturang larawan.
Mga Ilog sa Alemanya, Sinakop ng mga Talangka mula Tsina
Ayon sa pag-uulat ng China Hush [en], malaking problema ang pagdami ng mga talangkang Chinese mitten crabs sa mga ilog ng Alemanya. Isa sa mga naiisip na solusyon ng mga mangingisdang Aleman ay ang ibenta ang mga ito sa mga restawrang Intsik.
Belarus, Ukraine: Mga Biktima ng Chernobyl, Wala Na Nga Bang Libreng UK Visa?
Kinukwestiyon ngayon, sa pamamagitan ng isang petisyon sa internet [en], ang panukalang dagdag-bayarin sa pagkuha ng visa papasok ng Britanya para sa mga taga-Belarus at Ukraine na naging biktima ng trahedya sa Chernobyl noong 1986 at pumupunta sa UK upang magpagamot.
Syria: Kasama ang mga armas at tanke
Sa kanyang pinakahuling pagbisita sa bansang Syria, ibinida sa Twitter ni Emma Suleiman, na taga-Pransiya, ang litrato kung saan katabi niya ang isang tankeng pandigma at hawak ang isang armas. Dagdag pa niya [en]: @emmasulieman [en]: Maraming pa akong litrato kasama ang FSA sa malayang Syria :) may tanke na...
Ehipto: Masayang Pagsalubong para sa Kupunan sa Paralympics
Sa Twitter, ibinahagi ni Ahmed Morgan [ar] ang kanyang litratong kuha mula sa Pandaigdigang Paliparan ng Cairo, kung saan daan-daang katao ang nagtipon bilang pagsalubong sa kupunan ng Egypt mula sa ginanap na London Summer Paralympics 2012.
Indiya: Pananaw ng mga Blogger ngayong 2012, Sinurbey
Tinukoy ni Prasant Naidu sa kanyang itinatag na website [en] ang ilang impormasyon na kanyang nahugot mula sa ginawang Bloggers’ Mindset Survey 2012 na inilunsad ng grupong 20:20 MSL at Blogathon India. Kanyang pinuna ang mga mahahalagang pangyayari sa panahon ngayon, gaya ng “paglipat ng mga tao mula blogs papuntang...