Mga kwento tungkol sa Youth noong Agosto, 2012
Morocco: Reporma sa Edukasyon, Iginiit ng mga Mag-aaral
Nitong Hulyo, inilunsad ng isang grupo ng mga estudyante sa Morocco ang Facebook page na "Unyon ng mga Mag-aaral sa Morocco para sa Pagbabago ng Sistemang Pang-edukasyon". Sa loob lamang ng isang buwan, nakahikayat ito ng matinding suporta gamit ang social media.
Kirani James, Tinupad ang Pangarap ng Grenada sa Olympics
Nagwagi ng gintong medalya si Kirani James sa Men's 400 Metres race sa London Olympics na nagtala ng 43.94 segundo. Siya ang kauna-unahang atleta mula sa bansang Grenada at sa rehiyon ng Organization of Eastern Caribbean States na nagkamit ng medalya sa Olympics. Agad na nagdiwang ang buong sambayanan.
Bidyo: Walang Palanguyan? Walang Problema! Mga Malikhaing Sagot sa Tag-init
Dahil sa matinding tag-init na nararanasan ng mga taga-hilagang bahagi ng ating daigdig, kanya-kanyang pamamaraan ang karamihan doon upang matakasan ang umaakyat na temperatura at nang makaramdam ng kaunting pahinga. Pinapamalas ng mga susunod na litrato at mga bidyo ang pagiging malikhain at ang angking imahenasyon ng mga tao, mapabata man o matanda, upang maibsan ang epekto ng mainit na panahon.
Syria: Mga Bidyo, Idinokumento ang Tumitinding Sagupaan
Mainit na pinag-usapan sa social media ang mga balita mula sa bansang Syria. Sa tulong ng mga bidyong iniupload ng mga aktibista sa YouTube, naipapakita sa mas maraming tao ang mga mahahalagang kaganapan sa lumalalang kaguluhan doon.