Mga kwento tungkol sa War & Conflict noong Hunyo, 2012
Timog Korea: Kaguluhan sa Pagpapatayo ng Base Militar sa Jeju, Lalong Uminit
Ilang buwang naging sentro ng mga balita ang maliit na bayan ng GangJeong sa Isla ng Jeju. Iyon ay dahil sa matinding iringan sa pagitan ng gobyerno na nais magpatayo...
Afghanistan: Mga Batang Babae, Nilason Dahil sa Pagpasok sa Eskwelahan
Bagamat matagal nang napatalsik ang Taliban noong 2001 at malaya nang makakapag-aral ang mga kababaihan sa bansang Afghanistan, patuloy na pinaparusahan ng mga grupong fundamentalist ang mga batang babaeng pumapasok sa mga paaralan. Naibalita kamakailan ang serye ng pag-atake sa mga eskwelahan sa hilagang-silangang lalawigan ng Takhar, kung saan daan-daang kababaihan ang naging biktima ng panglalason.
Pilipinas, Tsina: Alitan sa Scarborough Shoal, Pinag-uusapan sa Internet
Umigting ang tensyon sa mga nakalipas na buwan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina nang magpalitan ang dalawang pamahalaan ng mga paratang tungkol sa iligal na panghihimasok ng isa't isa sa mga yamang dagat sa paligid ng pinag-aagawang Scarborough Shoal. Umusbong ang damdaming makabayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at lalong tumindi sa internet ang sagutan ng magkabilang kampo.
Pilipinas: Mga Refugee, Dumadami Dahil sa Pambobomba ng Militar
Sa mga nakalipas na buwan, libu-libong residente ng Mindanao ang sapilitang itinataboy mula sa kani-kanilang pamayanan dahil sa pinag-igting na operasyon ng militar sa lugar. Naging mainit naman ang sagupaan sa pagitan ng militar at mga rebelde, na nagpapalala sa kasalukuyang sitwasyon. Ang mga residente dito ay tuluyang naging mga bakwit - o ang lokal na tawag sa mga refugee.
Bidyo: Kalakaran sa Iba't Ibang Lipunan – Pagsilip sa mga Kakaibang Kaugalian
Hatid ng VJ Movement, sa pakikipagtulungan ng London School of Economics, ang mga bidyo at kwento ng buhay tungkol sa mga lipunan mula sa bawat sulok ng mundo na nasasadlak sa iba't ibang uri ng krisis at kaguluhan. Tampok dito ang kani-kanilang pagpapahalaga sa mas magandang kinabukasan.