Mga kwento tungkol sa Technology
Pamamahayag sa Social Media, Bibigyang Gantimpala ng Robert F. Kennedy Center
Tumatanggap ng mga nominasyon para sa Gatimpala sa Pamamahayag para sa Pandaigdigang Potograpiya at Pandaigdigang Social Media ang Robert F. Kennedy Center, isa sa mga kapita-pitagan at nangungunang pandaigdigang organisasyong nagtataguyod ng karapatang-pantao. Pinapangasiwaan ang nasabing patimpalak ng tanggapan ng RFK Center sa Florence, Italy.
Bidyo: Robot, Tinuturo ang Ligtas na Paggamit ng Internet
Komplikadong bagay ang usaping kaligtasan sa internet; minsan ang mga problema nito ay mahirap harapin o maunawaan. Sa pamamagitan ng nakakatuwang robot at ilang maiikling bidyo, layon ng pangkat na Tactical Tech Collective na ituro ang pangangalaga sa sariling kaligtasan sa paggamit ng internet.
Netherlands: Unang bansa sa Europa na nagpatupad ng net neutrality
Ang Netherlands ang kauna-unahang bansa sa Europa kung saan naisabatas ang pagpapatupad ng internet na walang kinikilingan, o ang tinatawag na net neutrality. Kasama dito, ipinasa din ang batas na mangangalaga sa privacy ng mga gumagamit ng internet mula sa pangwa-wiretap at sa pagputol ng mga Internet Service Provider (ISP) ng koneksyon ng walang dahilan.
Pilipinas: Dahil sa Mga Litratong Naka-bikini sa Facebook, Mga Estudyante Hindi Nakadalo sa Pagtatapos
Inulan ng batikos ang isang Katolikong paaralang eksklusibo para sa mga kababaihan sa lalawigan ng Cebu at pinapangasiwaan ng mga madre, matapos nitong pagbawalan ang limang estudyante na makadalo sa kanilang pagtatapos ng hayskul. Ito'y matapos mapag-alaman ng paaralan ang tungkol sa mga litrato ng mga dalaga sa Facebook na kuha habang naka-bikini ang mga ito.
Rusya: Paglutas sa Mga Problema ng Lokalidad Gamit ang Crowdsourcing
Mas madali na sa panahon ngayon ang paglutas ng mga suliranin sa lokal na pamayanan, lungsod at lalawigan, dahil sa mga proyektong ginagamitan ng teknolohiyang crowdsourcing. Ang crowdsourcing ay paraang nag-uugnay sa taong-bayan tungo sa malawak na pagtalakay at pagresolba ng iba't ibang uri ng problema, gaya ng pagbabayanihan sa pag-apula ng sunog at pagbabantay ng boto sa halalan.
Tampok na Sanggunian: Gabay sa Pamamahayag ng Datos – Ang Makabagong Paraan ng Pagsasalaysay
Ang pamamahayag na gumagamit ng datos ay isang proseso ng pagsisiyasat at pagsasala ng mga datos na matatagpuan online. Sa pagnanais na makalikha ng detalyadong gabay sa pamamahayag ng datos, idinaos ang dalawang araw na pagsasanay na nilahukan ng ilang mamamahayag at dalubhasa ng kompyuter, kasabay ng Mozilla Festival sa lungsod ng Londres. Pormal na inilunsad ang nasabing Gabay (na maaring ma-download online) noong ika-28 ng Abril, 2012 sa Pandaigdigang Pagdiriwang ng Pamamahayag na ginanap sa bayan ng Perugia.
Guinea-Bissau: Mas Mainam na Lugar para Mag-Online
Napakahirap humanap ng de-kalidad na koneksyon ng internet sa bansang Guinea-Bissau. Sa pakikipagtulungan ng iba't ibang lokal na NGO, naitayo ang tanggapang CENATIC, isang sentro na nagbibigay access sa internet sa mga organisasyon at indibidwal na nangangailangan nito, upang maiparating ang kani-kanilang mensahe sa bawat sulok ng daigdig.
Tsina: Pagpigil at pagbura sa mga kumakalat na “tsismis”
Patuloy ang pagsupil ng bansang Tsina ayon sa kanilang propaganda laban sa mga kumakalat na "tsismis" sa social media. Subalit marami ang naniniwalang magwawagi pa rin sa online na digmaang ito ang mga ordinaryong mamamayan sa bandang huli. Sa kabilang banda, nilathala ng peryodikong People's Daily ang artikulo tungkol sa "pinsala sa mga mamamayan at lipunan na dinudulot ng mga tsismis na nanggaling sa Internet. Hindi dapat pinapaniwalaan o kinakalat ng publiko ang mga ganitong tsismis."
“Kurtinang Electronic” ng Iran Ginawan ng Animasyon ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos
Naglabas ng isang maikling animasyon sa YouTube ang Kawanihan ng Pandaigdigang Programa sa Impormasyon, na bahagi ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, tungkol sa pinapatupad na "kurtinang electronic" sa bansang Iran.
Mga Pananaw sa Pumalyang Pagpapalipad ng Rocket ng Hilagang Korea
Naglunsad ng rocket ang Hilagang Korea noong ika-12 ng Abril, sa kabila ng patong-patong na babala ng paghihigpit ng ibang bansa. Ngunit laking kahihiyan nang magkapira-piraso ang rocket matapos itong lumipad at bumagsak sa dagat. Sumiklab sa Internet sa Timog Korea ang samu't saring pagtatalo tungkol sa pangyayaring ito.
Bidyo: Binibida ng mga Nonprofit ang Kanilang Gawain sa Pamamagitan ng mga Pinarangalang Bidyo
Itinanghal kamakailan ang mga nagwagi sa Ika-6 na Annual doGooder Non Profit Video Awards noong ika-5 ng Abril, 2012. Tampok ang mga nanalong bidyo sa 4 na kategorya: maliit na organisasyon, organisasyong may katamtaman ang laki, malaking organisasyon, at pinakamahusay sa pagkukuwento, pati ang 4 na nagwaging bidyo sa kategoryang 'walang takot'.
Bidyo: Patimpalak na Firefox Flicks sa Paggawa ng Bidyo
Ang pandaigdigang patimpalak na Firefox Flicks ay magbibigay gantimpala sa mga maiikling pelikulang magtuturo sa mga gumagamit ng web browser tungkol sa isyu gaya ng privacy, choice, interoperability, at oportunidad, at kung papaano ito tinutugan ng tatak Firefox.
Thailand: Facebook Sinisisi sa Maagang Pagbubuntis
Pinuna ng mga netizens sa Thailand ang ulat ng National Economic and Social Development Board na ang sikat na social networking site na Facebook ay isang dahilan sa maagang pagbubuntis sa bansa. Isa ang Thailand sa may pinakamaraming maagang nabubuntis sa buong mundo.
Cambodia: Mga Awit tungkol sa Facebook
Hindi pa itinuturing na isang banta sa pamahalaan ang Facebook. Gumawa ang mga pulitiko, sa pamumuno ni Punong Ministro Hun Sen (na nasa kapangyarihan na noon pang 1985), ng kanilang sariling pahina sa Facebook kung saan sila nakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng Cambodia. Gayunpaman, mayroong isang mas bago at interesanteng bagay na nauuso ngayon sa Facebook sa bansa: lumilikha ang mga mamamayan ng Cambodia ng mga kanta tungkol sa Facebook.
Hapon: Online Seminar tungkol sa Digital na Pamamahayag
Nagdaraos si Joi Ito ng lingguhang seminar tungkol sa digital na pamamahayag sa Pamantasan ng Keio, na maaaring masaksihan ng live sa UStream. Ang mga panauhin ngayon ay ang mamamahayag...