Mga kwento tungkol sa Media & Journalism
Timog Korea: Kaguluhan sa Pagpapatayo ng Base Militar sa Jeju, Lalong Uminit
Ilang buwang naging sentro ng mga balita ang maliit na bayan ng GangJeong sa Isla ng Jeju. Iyon ay dahil sa matinding iringan sa pagitan ng gobyerno na nais magpatayo...
Timog Korea: Suportado ang “Chemical Castration” Bilang Kaparusahan
Napagdesisyunan na ng sistemang panghukuman ng Timog Korea na ipatupad ang chemical castration bilang kaparusahan sa mga kriminal na ilang ulit na nanggahasa ng bata. Nagpahayag ng suporta ang karamihan sa mga Timog Koryano samantalang may ilan ding nagpahayag ng pagkadismaya sa kasalukuyang pagpapatupad ng batas na may kaugnayan sa mga nasabing krimen na inilalarawan bilang 'maluwag sa mga kriminal na may mga palusot.'
WITNESS: Alamin ang Paggamit ng mga Bidyo para sa Pagbabago
Layon ng grupong WITNESS na bigyang kakayahan ang taumbayan na ipagtanggol ang nararapat na hustisya at umahon mula sa samu't saring kwento ng pang-aabuso. Nakapagturo na ang grupo sa mga hands-on workshop ng mga indibidwal mula sa humigit 80 bansa. Upang mapalawak ang sakop ng kanilang proyekto, inilunsad ng WITNESS ang isang komprehensibong kurikulum sa pagsasanay sa paggamit ng bidyo para sa adbokasiya ng karapatang pantao. Libreng maida-download ang nasabing kurikulum.
Pamamahayag sa Social Media, Bibigyang Gantimpala ng Robert F. Kennedy Center
Tumatanggap ng mga nominasyon para sa Gatimpala sa Pamamahayag para sa Pandaigdigang Potograpiya at Pandaigdigang Social Media ang Robert F. Kennedy Center, isa sa mga kapita-pitagan at nangungunang pandaigdigang organisasyong nagtataguyod ng karapatang-pantao. Pinapangasiwaan ang nasabing patimpalak ng tanggapan ng RFK Center sa Florence, Italy.
Bidyo: Botohan sa Adobe Youth Voices Aspire Awards, Binuksan
Ibinida ng mga kabataan ang kanilang mga gawa sa Adobe Youth Voices Aspire Awards, gamit ang mga kagamitang multimedia na kanilang natutunan. Kabilang sa mga kalahok ng patimpalak ang mga dokyumentaryo, music bidyo, tula, audio, graphic design, salaysay, animasyon, at potograpiya.
Tsina, Pilipinas: Tensyon sa Pag-angkin sa Scarborough Shoal, Tumitindi
Lalong umiinit ang tensyon sa pinag-aagawang Scarborough Shoal o Huangyan Island sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Isiniwalat ng media ng pamahalaang Tsina na hindi na nito papayagan ang panghihimasok ng mga barkong pandagat ng Pilipinas sa Dagat Timog Tsina.
Tampok na Sanggunian: Gabay sa Pamamahayag ng Datos – Ang Makabagong Paraan ng Pagsasalaysay
Ang pamamahayag na gumagamit ng datos ay isang proseso ng pagsisiyasat at pagsasala ng mga datos na matatagpuan online. Sa pagnanais na makalikha ng detalyadong gabay sa pamamahayag ng datos, idinaos ang dalawang araw na pagsasanay na nilahukan ng ilang mamamahayag at dalubhasa ng kompyuter, kasabay ng Mozilla Festival sa lungsod ng Londres. Pormal na inilunsad ang nasabing Gabay (na maaring ma-download online) noong ika-28 ng Abril, 2012 sa Pandaigdigang Pagdiriwang ng Pamamahayag na ginanap sa bayan ng Perugia.
Hapon: Online Seminar tungkol sa Digital na Pamamahayag
Nagdaraos si Joi Ito ng lingguhang seminar tungkol sa digital na pamamahayag sa Pamantasan ng Keio, na maaaring masaksihan ng live sa UStream. Ang mga panauhin ngayon ay ang mamamahayag...
Pilipinas: Kongreso Bigo sa Pagpasa ang Panukalang Batas na Kalayaan sa Impormasyon
Ang huling sesyon ng Kongreso ng Pilipinas ay matatandaan dahil sa kabiguan nitong maipasa ang panukalang batas tungkol sa Kalayaan sa Impormasyon, isang mahalagang batas na magpapatupad ng isang alituntunin ng pagsiwalat sa mga pamamalakad ng pamahalaan. May opinyon ang mga bloggers tungkol dito. The Philippine Congress last session was marked by its failure to pass the Freedom of Information Bill, a landmark measure that will enforce a policy of disclosure to government transactions. Bloggers react
Pilipinas: Blogger Kinasuhan ng Miyembro ng Gabinete
Isinulat ng blogger na si Ella Ganda mula sa Pilipinas noong Oktubre na ang mga relief goods na dapat sana ay para sa mga biktima ng bagyo ay itinatago lamang sa loob ng bodega ng pamahalaan. Tatlong buwan ang lumipas, sinampahan siya ng kasong libelo ng isang kawani ng pamahalaan. Nais malaman ng kapulisan ang kanyang pangalan. Tumugon naman ang mga lokal na bloggers sa usaping ito.
Pilipinas: TV Ads para sa mga Kandidato sa Pagkapangulo
Nagsimula na ang kapanahunan ng halalan sa Pilipinas. Tignan mo ang mga TV ads ng mga kakandidato sa pagkapangulo na nakaupload sa Youtube.
Pilipinas: Ang Lolang Marunong sa Internet
Masyadong popular nitong mga araw si “Lola Techie” sa Pilipinas. Ang salitang “Lola” ang katumbas sa wikang Filipino ng salitang "grandmother". Si “Lola Techie” ang pinakasentro ng marketing campaign ng isang kumpanya ng telekomunikasyon sa Pilipinas, na gumaganap sa papel bilang isang Lola na marunong mag-Internet.