Mga kwento tungkol sa Literature noong Setyembre, 2012

Ehipto: Makasaysayang Pamilihan ng mga Aklat, Sinalakay ng Pulisya

Madaling araw ng ika-7 ng Setyembre nang mabalitaan ng mga taga-Egypt ang ginawang pagsalakay sa mga tindahan ng mga libro sa Kalye Prophet Daniel sa lungsod ng Alexandria. Maraming nagsasabing kagagawan ito ng mga taga-Ministeryo ng Interyor. Bumuhos naman ang poot ng mga netizen sa Muslim Brotherhood, na inaakusahang unti-unting sumisira sa yamang-kultura ng bansa.