Mga kwento tungkol sa Health noong Hulyo, 2012
Puerto Rico: Pagtutol sa Pagpapacaesarean nang Hindi Kailangan, Ikinampanya sa Internet
Unnecessary Caesarean (Hindi Kailangan ng Caesarean) ang tawag sa kampanyang inilunsad sa Puerto Rico noong Marso. Hangad ng proyekto na bumaba ang lumulobong bilang ng mga nanganganak sa pamamagitan ng caesarean: karamihan sa mga C-section ng bansa ay hindi tumutugma sa mga tunay na pangangailangang medikal.
Uganda: Nodding Disease, Hadlang sa Kinabukasan ng mga Kabataan
Hatid ni James Propa ang mga litrato at bidyo sa YouTube ng kalagayan ng mga biktima ng nodding disease sa bansang Uganda. Ang nodding disease ay isang sakit na nakakapinsala sa utak at katawan na madalas nakikita sa mga bata. Matatagpuan ang karamdamang ito sa ilang bahagi ng Timog Sudan, Tanzania at hilagang Uganda.
Blogging Positively, Gabay sa Malayang Pagtalakay Tungkol sa HIV/AIDS
Ipinagmamalaki naming ihandog ang "Blogging Positively", isang koleksyon ng mga panayam at halimbawa ng citizen media patungkol sa HIV/AIDS. Tampok dito ang mga pangunahing tagapagtaguyod ng mga HIV/AIDS blogs at mga proyektong citizen media na nagsisikap ipalaganap ang kamalayan tungkol sa dumadaming bilang ng mga nagkakaroon ng sakit na ito. Ang gabay na ito ay para sa mga guro at sa mga nagsasagawa ng pagsasanay. Naglalaman din ito ng ilang mahahalagang sanggunian para sa mga nais magsimula ng kani-kanilang blog.
Uganda: Pagbasag ng Katahimikan, Panawagan sa Karapatang Pangkalusugan
Isang bidyo ang inilabas sa internet kamakailan ng grupong Results for Development, isang organisasyong non-profit na naglalayong masolusyunan ang mga suliranin sa pandaigdigang kaunlaran, kung saan hinihimok nito ang mga Ugandan na basagin ang katahimikan at angkinin ang kanilang mga karapatang pangkalusugan.
Tsina: Pagdadalantao, Sapilitang Pinapalaglag ng Mga Tiwaling Opisyales
Usap-usapan sa social media at mga microblog sa Tsina ang isang litrato ng isang babae na napilitang magpalaglag ng kanyang ipinagbubuntis. Inulan ng batikos at matinding galit ang nasabing larawan.
Sa Ika-5 Taon ng RV: Makabagong Midya para sa Pagsusulong ng Usaping Pangkalusugan
Taong 2008 nang binigyang pondo ng Rising Voices at ng Health Media Initiative ng Open Society Institute ang anim na proyektong citizen media na nakatutok sa mga isyung pangkalusugan. Isa sa mga nabigyan ng munting gantimpala ang Proyektong AIDS Rights ng pangkat ng AZUR Development Organization mula sa lungsod ng Brazzaville, Congo. Sinasanay ng grupo ang mga communications officer ng mga lokal na organisasyon para sa AIDS, upang mahasa ang kanilang kakayahan sa digital na pagsasalaysay, pagpopodcast, at paggawa ng mga blog upang idokumento ang negatibong pananaw ng mga mamamayan at diskriminasyon sa mga taong may HIV at AIDS sa bansang Congo.
Tsina, Hong Kong: ‘Masayang Patalastas’ tungkol sa Pagpapalaglag, Lumikha ng Debate
May espesyal na alok ang isang ospital sa bansang Tsina para sa mga dalagang nag-aaral sa mga pamantasan; iyon ang serbisyong pagpapalaglag sa presyong hulugan para sa mga aksidenteng nabubuntis. Umani ng batikos ang nasabing poster mula sa mga netizen sa Hong Kong.