Mga kwento tungkol sa Freedom of Speech noong Mayo, 2012
Georgia: Mga Aktibistang LGBT, Binugbog ng Pangkat ng Orthodox
Noong ika-17 ng Mayo, bilang pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw Laban sa Homophobia, nagmartsa ang kilusang LGBT sa lansangan ng Tbilisi, Georgia. Bigla naman humarang ang isang pangkat ng mga Kristiyanong Orthodox, at sumunod ang pisikal na salpukan. Ulat ni Mirian Jugheli.
Indonesia: Palabas ni Lady Gaga, Hindi Binigyan ng Permiso
Dahil sa mariing pagtutol ng mga konserbatibong pangkat at mga pulitiko, na tinawag si Lady Gaga bilang tagapaglingkod sa demonyo, ipinahayag ng pulisya sa bansang Indonesia na hindi nito bibigyan ng permit ang inaabangang konserto ni Lady Gaga sa Jakarta, na hindi ikinatuwa ng 50,000 tagahanga.
Tsina: Mamamahayag ng Al Jazeera Sa Beijing, Pinalayas
Sa unang pagkakataon magmula noong 1998, isang lisensyadong dayuhang mamamahayag ang pinaalis ng Tsina ng gobyerno nito. Si Melissa Chan ay lubos na ginagalang ng kanyang mga katrabaho, at ang pagpapatalsik sa kanya ay umani ng samu't saring reaksyon pati na sa mga microblog.
Pilipinas: Dahil sa Mga Litratong Naka-bikini sa Facebook, Mga Estudyante Hindi Nakadalo sa Pagtatapos
Inulan ng batikos ang isang Katolikong paaralang eksklusibo para sa mga kababaihan sa lalawigan ng Cebu at pinapangasiwaan ng mga madre, matapos nitong pagbawalan ang limang estudyante na makadalo sa kanilang pagtatapos ng hayskul. Ito'y matapos mapag-alaman ng paaralan ang tungkol sa mga litrato ng mga dalaga sa Facebook na kuha habang naka-bikini ang mga ito.