Mga kwento tungkol sa Film noong Abril, 2012
Arhentina: “Hindi Ako Naniniwala sa Paaralan Ngunit Naniniwala Ako sa Edukasyon”
Naglabas ang Educación Viva (Mabuhay ang Edukasyon) ng paunang bidyo na humahamon sa tradisyonal na sistema ng edukasyon, na pinamagatang Hindi Ako Naniniwala sa Paaralan Ngunit Naniniwala Ako sa Edukasyon. Sa bidyo na may kasamang subtitle sa wikang Ingles, binigkas ng higit sa 20 kalalakihan at kababaihan ang tula tungkol sa sistema ng edukasyon at kung paano ito naiiba sa kanilang paniniwala tungkol sa tunay na kahulugan ng pag-abot ng kaalaman.
Bidyo: Binibida ng mga Nonprofit ang Kanilang Gawain sa Pamamagitan ng mga Pinarangalang Bidyo
Itinanghal kamakailan ang mga nagwagi sa Ika-6 na Annual doGooder Non Profit Video Awards noong ika-5 ng Abril, 2012. Tampok ang mga nanalong bidyo sa 4 na kategorya: maliit na organisasyon, organisasyong may katamtaman ang laki, malaking organisasyon, at pinakamahusay sa pagkukuwento, pati ang 4 na nagwaging bidyo sa kategoryang 'walang takot'.
Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Music Video na Tulong-tulong na Binuo, Ipinalabas
Ipinalabas ang isang bagong music video bilang paghahanda sa pandaigdigang pagpapalabas ng pelikulang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"], na gaganapin sa iba't ibang lokasyon kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril, 2012). Tampok sa music video ang mga musikero, makata, at mananayaw na kuha ng bidyo sa loob ng iisang araw, noong ika-10 ng Oktubre 2010, at malikhaing inedit at niremix ni Cut Chemist.
Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Pagpapalabas ng Pelikulang Tulong-Tulong na Binuo
Ang pelikulang tulong-tulong na binuo na pinamagatang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"] ay pinagsama-samang bidyo ng mga kaganapan noong ika-10 ng Oktubre 2010, at mula sa higit 3,000 oras ng bidyo galing sa bawat sulok ng mundo. Gaganapin ang Pandaigdigang Pagpalalabas ng naturang pelikula kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril 2012) sa bawat bansa, sa tulong ng mga World Heritage Site at United Nations.
Bidyo: Patimpalak na Firefox Flicks sa Paggawa ng Bidyo
Ang pandaigdigang patimpalak na Firefox Flicks ay magbibigay gantimpala sa mga maiikling pelikulang magtuturo sa mga gumagamit ng web browser tungkol sa isyu gaya ng privacy, choice, interoperability, at oportunidad, at kung papaano ito tinutugan ng tatak Firefox.
Bidyo: Mga Surfer, Mangingisda, at Radiation sa Bansang Hapon Matapos ang Lindol
Isinasapelikula ni Lisa Katayama, isang mamahayag, at ni Jason Wishnow, isang direktor, ang pamumuhay ng mga taong patuloy na nakikipagsapalaran sa epekto ng radiation pagkatapos ng matinding lindol na yumanig sa bansang Hapon. Sa proyektong We Are All Radioactive ["Lahat Tayo ay Radioactive"], 50% ng bidyo ay kinunan sa mga kalapit-lugar ng Fukushima Power Plant, at 50% naman ay gawa ng mga nakatira doon gamit ang mga waterproof digital cameras.