Mga kwento tungkol sa Environment noong Oktubre, 2012
Senegal: 18 Nasawi Matapos ang Matinding Pagbaha
Dahil sa matinding pag-ulan noong Agosto 26, 2012, nakaranas ng malawakang pagbaha ang maraming rehiyon sa bansang Senegal. Hindi bababa sa 18 ang bilang ng mga nasawi at 42 ang sugatan. Nagpaabot naman ang pamahalaan ng Senegal ng paunang tulong sa mga sinalanta, sa pangunguna ng grupong Pranses na Orsec. Sa kabila nito, marami ang naniniwalang hindi naging agaran ang pag-aksyon ng pamahalaan, dahilan upang magsagawa ng isang kilos-protesta sa siyudad ng Dakar.
Pandaigdigang Araw ng mga Rhino
Itinalaga ang ika-22 ng Setyembre, 2012, bilang World Rhino Day. Sa kasalukuyan, tinatayang may 22,000 puting rhino at 4,800 itim na rhino [en] ang natitira sa Aprika. Dahil sa walang...
Mga Ilog sa Alemanya, Sinakop ng mga Talangka mula Tsina
Ayon sa pag-uulat ng China Hush [en], malaking problema ang pagdami ng mga talangkang Chinese mitten crabs sa mga ilog ng Alemanya. Isa sa mga naiisip na solusyon ng mga...
Belarus, Ukraine: Mga Biktima ng Chernobyl, Wala Na Nga Bang Libreng UK Visa?
Kinukwestiyon ngayon, sa pamamagitan ng isang petisyon sa internet [en], ang panukalang dagdag-bayarin sa pagkuha ng visa papasok ng Britanya para sa mga taga-Belarus at Ukraine na naging biktima ng...