Mga kwento tungkol sa Environment noong Abril, 2012
Costa Rica: Pag-akyat sa Chirripó, ang Pinakamatayog na Bundok sa Bansa
Ang Chirripó ang pinakamatayog na bundok sa bansang Costa Rica, na may taas na 3820 metro (12,533 talampakan). Noon pa man, maraming mga lokal at banyagang turista ang naaakit na akyatin ang tuktok nito: mapapanood sa mga susunod na bidyo ang dalawang magkaibang karanasan. Tampok sa unang bidyo ang naunang paglalakbay noong 1960, at tampok naman sa pangalawa ang karanasan sa kasalukuyang panahon.
Bidyo: Mga Surfer, Mangingisda, at Radiation sa Bansang Hapon Matapos ang Lindol
Isinasapelikula ni Lisa Katayama, isang mamahayag, at ni Jason Wishnow, isang direktor, ang pamumuhay ng mga taong patuloy na nakikipagsapalaran sa epekto ng radiation pagkatapos ng matinding lindol na yumanig sa bansang Hapon. Sa proyektong We Are All Radioactive ["Lahat Tayo ay Radioactive"], 50% ng bidyo ay kinunan sa mga kalapit-lugar ng Fukushima Power Plant, at 50% naman ay gawa ng mga nakatira doon gamit ang mga waterproof digital cameras.