Mga kwento tungkol sa Education noong Hunyo, 2012
Bangladesh: Palabas na Cartoon, Nagtuturo sa mga Bata ng Dayuhang Wika at Pagsisinungaling
Isang sikat na palabas sa Disney Channel India, na isinalin sa wikang Hindi, ang pinag-uusapan ngayon sa Bangladesh. Sinasabing ang Japanese anime na Doraemon ay nagtuturo sa kabataan ng dayuhang lenggwahe at ng pagsisinungaling.
Afghanistan: Mga Batang Babae, Nilason Dahil sa Pagpasok sa Eskwelahan
Bagamat matagal nang napatalsik ang Taliban noong 2001 at malaya nang makakapag-aral ang mga kababaihan sa bansang Afghanistan, patuloy na pinaparusahan ng mga grupong fundamentalist ang mga batang babaeng pumapasok sa mga paaralan. Naibalita kamakailan ang serye ng pag-atake sa mga eskwelahan sa hilagang-silangang lalawigan ng Takhar, kung saan daan-daang kababaihan ang naging biktima ng panglalason.
Edukasyon sa Pilipinas Noong Bago at Matapos Dumating ang mga Kastila
Mula sa blog na Red-ayglasses [en], balikan at alamin ang naging kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas noong unang panahon bago pa man dumating ang mga dayuhan at ang sistemang umiiral...
Pilipinas: Talakayan Hinggil sa K-12 Bilang Repormang Pang-edukasyon
Matiyagang inipon at inilista ni Angel de Dios ang iba't ibang artikulo at mga komentaryo tungkol sa ipinapatupad na programang K-12 [en] bilang mahalagang reporma sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas....
Bidyo: Kalakaran sa Iba't Ibang Lipunan – Pagsilip sa mga Kakaibang Kaugalian
Hatid ng VJ Movement, sa pakikipagtulungan ng London School of Economics, ang mga bidyo at kwento ng buhay tungkol sa mga lipunan mula sa bawat sulok ng mundo na nasasadlak sa iba't ibang uri ng krisis at kaguluhan. Tampok dito ang kani-kanilang pagpapahalaga sa mas magandang kinabukasan.