Mga kwento tungkol sa Arts & Culture noong Setyembre, 2012
Syria: Ang Rebolusyon Ayon sa Mga Guhit ni Wissam Al Jazairy
Si Wissam Al Jazairy ay isang binatang graphic designer mula Syria. Ang paghihirap ng kanyang mga kababayan ang siyang naging tema ng mga likhang-sining na kanyang iniambag sa rebolusyon. Narito ang ilan sa mga disenyong likha ni Wissan.
Venezuela: Mga Alagad ng Sining, Tampok sa Maikling Dokyu
Sa pamamagitan ng YouTube, inilahad ng pangkat na Mostro Contenidos ang isang dokyu-serye na pinamagatang 'Memorabilia'. Ito ay isang koleksyon ng mga naging panayam sa mga kilalang personalidad sa Venezuela na sumikat sa larangan ng pelikula, sining at pagtatanghal sa loob at labas ng bansa.
Ehipto: Makasaysayang Pamilihan ng mga Aklat, Sinalakay ng Pulisya
Madaling araw ng ika-7 ng Setyembre nang mabalitaan ng mga taga-Egypt ang ginawang pagsalakay sa mga tindahan ng mga libro sa Kalye Prophet Daniel sa lungsod ng Alexandria. Maraming nagsasabing kagagawan ito ng mga taga-Ministeryo ng Interyor. Bumuhos naman ang poot ng mga netizen sa Muslim Brotherhood, na inaakusahang unti-unting sumisira sa yamang-kultura ng bansa.
Graffiti sa Panahon ng Krisis
Sa kasalukuyang krisis pang-ekonomiya, naging lunsaran ng mga hinaing ng lipunan ang samu't saring graffiti na makikita sa mga lungsod at bayan. Narito ang ilang halimbawa.
Mga Yamang-Kultura ng Syria, Pinapangambahang Maglaho
Bukod sa lumulobong bilang ng mga nasasawi sa giyera sa bansang Syria, isang masaker ang patuloy na nagaganap sa yamang-kultura ng mga taga-Syria. Subalit mapapansing ang usaping ito ay bihira lamang mabanggit sa midyang tradisyonal at sa social media, ayon kay Thalia Rahme.
Venezuela: Kabataan, Sayaw, Katutubo… at Propaganda
Ibinahagi ni Carmen Helena González ang mga litrato sa photo album sa Facebook na pinamagatang "Ang pagsayaw ng Venezuela sa saliw ng...". Ang bawat litrato ay may kaakibat na pagninilaynilay at pagkuwestiyon sa mga propagandang pulitikal sa sistema ng edukasyon sa bansa.