· Abril, 2012

Mga kwento tungkol sa Arts & Culture noong Abril, 2012

Costa Rica: Pag-akyat sa Chirripó, ang Pinakamatayog na Bundok sa Bansa

Ang Chirripó ang pinakamatayog na bundok sa bansang Costa Rica, na may taas na 3820 metro (12,533 talampakan). Noon pa man, maraming mga lokal at banyagang turista ang naaakit na akyatin ang tuktok nito: mapapanood sa mga susunod na bidyo ang dalawang magkaibang karanasan. Tampok sa unang bidyo ang naunang paglalakbay noong 1960, at tampok naman sa pangalawa ang karanasan sa kasalukuyang panahon.

30 Abril 2012

Iran: Linggo ng Masidhing Graffiti para sa Mga Bilanggong Pulitikal

Noong ika-1 hanggang ika-7 ng Abril 2012, hinikayat sa Facebook ng grupong Mad Graffiti Week Iran ang buong mundo na lumahok sa paglalapat ng mga guhit para sa daan-daang bilanggong pulitikal sa bansang Iran. Ang gawaing ito ay batay sa at sinuportahan ng kilusang “Mad Graffiti Week” ng bansang Ehipto kung saan libu-libo ang hinimok na magprotesta laban sa kasalukuyang rehimeng militar.

20 Abril 2012

Tunisia: Mga Mambabasa ng Aklat Susugod sa Lansangan!

Matapos ang ilang linggo ng demonstrasyon sa Tunis, isang bagong uri ng pagkilos ang binubuo ngayon, na tinatawag nilang "L'avenue ta9ra", o "Nagbabasa ang lansangan". Binabalak ng mga taga-Tunisia na dalhin ang kani-kanilang libro sa Kalye Habib Bourguiba, ang pinakamahalagang lansangan sa kasaysayan ng kabisera, upang magbasa ng sama-sama.

18 Abril 2012

Bidyo: Binibida ng mga Nonprofit ang Kanilang Gawain sa Pamamagitan ng mga Pinarangalang Bidyo

Itinanghal kamakailan ang mga nagwagi sa Ika-6 na Annual doGooder Non Profit Video Awards noong ika-5 ng Abril, 2012. Tampok ang mga nanalong bidyo sa 4 na kategorya: maliit na organisasyon, organisasyong may katamtaman ang laki, malaking organisasyon, at pinakamahusay sa pagkukuwento, pati ang 4 na nagwaging bidyo sa kategoryang 'walang takot'.

14 Abril 2012

Pagkanta ng Pambansang Awit sa Sariling Wika (Ikalawang Bahagi)

Rising Voices

Sa aming pangalawang ulat, tampok ang mga bidyong gawa ng mga mamamayan na itinatanghal ang kani-kanilang pambansang awit na isinalin-wika sa mga wikang katutubo o malimit gamitin, at napag-alaman namin na ipinagbabawal ng mga batas sa maraming bansa na kantahin ang pambansang awit maliban sa anyo ng pambansang wika. Subalit hindi ito nakapag-patinag sa ilang ordinaryong sibilyan na gumamit ng tinaguriang media ng mamamayan upang kantahin ang kanilang pambansang awit sa sariling wika.

12 Abril 2012

Pagkanta ng Pambansang Awit sa Sariling Wika

Rising Voices

Makikita sa YouTube ang sangkatutak na bidyong gawa ng mga mamamayan na itinatanghal ang mga pambansang awit na isinalin-wika sa mga katutubong lenggwahe. Batay sa mga komento at puna sa mga bidyo, ipinagmamalaki ng mga gumagamit ng katutubong wika ang mga bidyong ito sapagkat naipagbubunyi nila ang kanilang bayan gamit ang sariling wika.

12 Abril 2012

Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Music Video na Tulong-tulong na Binuo, Ipinalabas

Ipinalabas ang isang bagong music video bilang paghahanda sa pandaigdigang pagpapalabas ng pelikulang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"], na gaganapin sa iba't ibang lokasyon kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril, 2012). Tampok sa music video ang mga musikero, makata, at mananayaw na kuha ng bidyo sa loob ng iisang araw, noong ika-10 ng Oktubre 2010, at malikhaing inedit at niremix ni Cut Chemist.

11 Abril 2012

Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Pagpapalabas ng Pelikulang Tulong-Tulong na Binuo

Ang pelikulang tulong-tulong na binuo na pinamagatang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"] ay pinagsama-samang bidyo ng mga kaganapan noong ika-10 ng Oktubre 2010, at mula sa higit 3,000 oras ng bidyo galing sa bawat sulok ng mundo. Gaganapin ang Pandaigdigang Pagpalalabas ng naturang pelikula kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril 2012) sa bawat bansa, sa tulong ng mga World Heritage Site at United Nations.

11 Abril 2012

Bidyo: Mga Surfer, Mangingisda, at Radiation sa Bansang Hapon Matapos ang Lindol

Isinasapelikula ni Lisa Katayama, isang mamahayag, at ni Jason Wishnow, isang direktor, ang pamumuhay ng mga taong patuloy na nakikipagsapalaran sa epekto ng radiation pagkatapos ng matinding lindol na yumanig sa bansang Hapon. Sa proyektong We Are All Radioactive ["Lahat Tayo ay Radioactive"], 50% ng bidyo ay kinunan sa mga kalapit-lugar ng Fukushima Power Plant, at 50% naman ay gawa ng mga nakatira doon gamit ang mga waterproof digital cameras.

1 Abril 2012